CHAPTER THIRTY-FIVE (THE AMAZING PLAN B)

2.1K 97 81
                                        

TAEHYUNG'S POV

Sumama ako kay Jimin kagaya ng sinabi niya. Namalayan ko nalang ang sarili na nakasakay na sa kotse niya habang ito ang nagmamaneho sa driver's seat.

Nananatiling naka blindfold ang mga mata ko kaya hindi ko malaman kung saan ako dadalhin ni Jimin.

Bakit ba ako nandito?

Diba dapat hinahanap ko ngayun si Jungkook para pigilan ang kasal niya?

"Chim, I need to see Jungkook. I need to stop his wedding." I said desperately.

Pero ang mahinang pagtawa lamang ni Jimin ang narinig kong sagot mula sa kanya.

"Chim, I'm serious. Stop the car I need to go to Jungkook. I need to see him!"-Taehyung

"Taetae, relax, okay? Diba sabi ko sayo, magtiwala ka lang sa akin?"-Jimin

"Dalhin mo ko kay Jungkook, Chim please."-Taehyung

"Just trust me. Relax your mind and body for now. Tiyak na magugulantang ka sa kung ano ang mga susunod na mangyayari mamaya."-Jimin

"What do you mean?!"-Taehyung

"Nothing. Just sit back and relax, okay? Wag ka nang magsalita please at lumalala ang jetlag ko sayo."-Jimin

"And what about this freaking blindfold?!"-Taehyung

"Tae, isa pa. Isa nalang talaga." Napipikong banta na ni Jimin.

Inis na itinikom ko na rin ang bibig at hindi na nagsalita pa.

Nakahalukipkip na hinayaan ko nalang siyang magdrive at antayin kung saang lupalop man niya ako dadalhin.

Ilang sandali din ang lumipas bago ko naramdaman na tumigil na kami at ang pagtunog ng seatbelt ni Jimin. Sunod kong narinig ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

Maya maya pa ay naramdaman kong may mga kamay na umalalay sa akin para bumaba ng sasakyan.

"Teka, teka, sino kayo? Saan niyo dadalhin?!" Natatarantang kong saad pero dalawang pamilyar na hagikhik lang ang narinig ko.

"Taetae, masyado ka ngang tense. Chill ka lang, okay?" Wika ng isang tinig.

"Jin hyung?!" Hindi ko makapaniwalang saad.

"Yeah. And I'm with Hoseok. Nauna na sa atin si Jimin sa loob at nababanyo na daw talaga siya."-Jin hyung

"Hyung, hindi pa ba natin kukunim ang blindfold?" Narinig ko namang saad ni Hoseok hyung

Magkasama nga sila.

"Wag na muna. Doon na sa loob."-Jin hyung

"Wala ba talagang magsasabi sa akin kung anong nangyayari ngayun? Look, I need to see Jungkook. I need to stop his wedding. Hindi ako dapat nandito!"-Taehyung

"Tae, sumama ka nalang sa amin ng maayos kung gusto mo talagang makita agad si Jungkook."-Hoseok hyung

"Tama siya, Tae. Halika na."-Jin hyung

Magsasalita pa sana ako para umalma dahil naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari pero mas pinili ko nalang din ang tumahimik at itikom ang bibig.

Sa paraan pa lang kasi ng pagkakahila nila sa aking dalawa alam kong nagmamadali nga sila.

Kahit wala akong makita ay naramdaman ko ang pagpasok namin sa isang kwarto at ang pagkukumahog ng mga tao sa loob nito dahil sa pagdating namin.

Aligagang hinila nila ako saka pinaupo sa isang upuan.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEStories to obsess over. Discover now