CHAPTER SIX (FEELS SO RIGHT)

2.3K 115 35
                                    

TAEHYUNG'S POV

Naalimpungatang kinuha ko ang isa kong unan at saka padabog na nilagay ito sa tenga ko.

"Taehyuuuuunnnnngggg!"-Namjoon hyung

Tangina naman, sabado naman diba ngayun? Bakit ang aga naman manggising?

"Taehyung! Ano ba?!"-Namjoon hyung

Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa mga pinag gagawa at pinagsasabi ni Jungkook. Ngayung araw ko pa namang balak na bawiin ang tulog ko.

Pilit kong iniignora ang palakas na palakas niyang pagkatok at ang sunud sunod na pagtawag niya sa pangalan ko.

Siguro kapag hindi ko siya pinansin kusa nalang din siyang aalis. Magpapanggap nalang akong hindi ko siya naririnig at tulog pa rin ako.

Maya maya pa ay narinig ko na ang sunud sunod na pagbuntong hininga niya.

"Pretending that you're still asleep huh? Fine! I'll give you the taste of your own medicine, you brat!"-Namjoon hyung

Narinig ko ang mga papalayo niyang yabag. Napangisi nalang akong kampanteng pinikit ulit ang mga mata.

Nakakaidlip na ulit ako nang maramdaman kong nag click ang doorknob ng pinto ko pero hindi ko pinansin yun. Baka si Namjoon hyung na naman yan. Nag effort pa talaga kunin ang spare key ng kwarto ko. Tsk.

Hinayaan kong hilahin ako ng antok at hindi na pinansin kung sino man ang pumasok ng kwarto ko.

Naramdaman kong may umupo sa kama dahil naramdaman ko ang paglubog nito. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi pa rin ako nag abalang lingunin man lang siya.

Magpapanggap akong tulog kahit magunaw pa ang mundo.

Napaigtad nalang ako nang maramdaman ang masuyong paghaplos ng kung sino sa ulo ko lalong lalo na sa buhok ko.

Teka teka, parang may mali. Hindi to kamay ng kapatid ko pati amoy ng pabango ay hindi to kay Namjoon hyung.

Kung hindi to si Namjoon hyung, sino ang.....

"Ay, potangina...."-Taehyung

Pabalikwas akong napabangon nang mag sink in sa utak ko ang pamilyar at hindi ko makalimutang amoy ng pabango ni Jungkook.

Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa hindi ko suot ang salamin ko, alam kong si Jungkook ito.

"Ang gandang bungad naman ng potangina sa akin Kim Taehyung." Natatawang saad nito habang napapailing pa.

Agad akong nahiga ulit at saka hinila ang kumot ko hanggang sa bibig habang hindi ko mapigilan ang pamumula ng pisngi ko. Potek, amoy chaka pa ang bibig ko ni hindi ako makatingin sa kanya dahil baka may morning glory pa ako sa mga mata

Nananaginip na naman ba ako?

"A-Anong ginagawa mo dtio, Jeon? Ang aga aga pa."-Taehyung

"Tsk. Kanina pa ako nasa baba. Magdadalawang oras na rin akong naghihintay na gumising ka."-Jungkook

"Ano ngang ginagawa mo dito? Shit, lumabas ka nga muna at maghihilamos lang ako."-Taehyung

He just chuckled and hold me in both of my arms to pull me up.

Wala akong nagawa nang tuluyan niya akong pabangunin at natatawang kinuha nito ang nakapatong na salamin ko sa study table ko. Nahihiyang sinubukan kong iiwas ang tingin sa kanya pero hinawakan lang ako nito sa pisngi saka pilit na binalik ang tingin ko sa kanya.

Sinuot niya sa akin ang salamin ko saka nakangiting hinaplos ang magulo ko pang buhok.

"Ang cute mo pala sa umaga. Good morning, Taehyung." Malambing pa nitong saad dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now