CHAPTER TWO (GETTING MORE OBVIOUS)

2.8K 138 70
                                    

FEW DAYS LATER...

JUNGKOOK'S POV

Kunot noong sinenyasan ko sila Jackson, Yugyeom at Mingyu para tahimik na sundan ang dalawang lalaking naglalakad papunta sa basketball gym ng university.

Mabilis namang tumango ang mga ito saka sinunod ang inutos ko.

Tahimik naming sinundan ang dalawang kumag sa harap namin na ngayun ay walang kamalay malay na naka sunod na kami sa likod nila.

May atraso sakin ang dalawang to. Nakita kong pinagtripan nila kahapon si Taehyung.

Ang hindi ko pa nagustuhan ay pagkatapos nilang gawin ang kalokohan nila ay ang sipain ng gagong Felix na to si Taehyung. Hindi lang basta mahinang sipa yun, nilakasan pa talaga ng gago.

Mamaya ka saking gago ka.

"Kilos na."-Jungkook

Saktong malapit na sila sa janitor's room nang bigla namin silang hablutin papasok nito at saka sabay na malakas na tinulak sa dulo.

Sabay pang umigik ang dalawa nang tumama ang ulo nila sa pader at kapwa napaupo nalang sila sa sahig.

"Tayo." Gigil kong utos sa kanilang dalawa.

"Jeon, anong kasalanan namin sayo? Hindi ka namin inaano."

"Tumahimik ka Charles. Sundin mo nalang ang inuutos niya."-Yugyeom

Atubiling tumayo nga silang dalawa kapagkuwan ay takot na yumuko.

Dapat lang matakot tong dalawang to. Punyeta.

"Anong atraso namin sayo?"-Felix

"Malaki. Sinong nagsabi sa inyong dalawang pwede niyong kantiin si Taehyung?"-Jungkook

"Ang nerd?!"-Charles

"Bakit kaano ano mo ba yun? Isa ka nga sa nagpapasimuno sa pambubully sa kanya."-Felix

Naikuyom ko ang kamao nang maalala ang ginawa nila kay Taehyung. Tangina.

"Tama ka. Pero para sabihin ko sayo minsan man ay hindi ko siya sinaktan kahit isang beses hindi ko nagawa sa kanya ang ginawa ninyong dalawa."-Jungkook

"Wala ka pa ring pinagkaiba sa amin. Parehu lang din tayong sinasaktan siya even though you're not hurting him physically."-Felix

Umigkas ang kamao ko papunta sa panga niya dahilan para bumagsak siya na agad naman itong dinaluhan ni Charles.

"Wala akong pakialam kung anong iniisip mo sa akin. Pero isa lang ang tandaan mo, wag na wag kang magkakamali o magtangka man lang na saktan si Kim Taehyung dahil sinasabi ko sayo, ako ang makakalaban mo."-Jungkook

Hindi na ang mga ito nagsalita pa kaya galit na sinuntok ko ang isang locker na naroroon.

"Wala sa inyong sasagot?!"-Jungkook

"Sagot na kasi. Tangina naghahanap lang lalo kayo ng sakit sa katawan eh."-Jackson

"Sagot!" Malakas kong sigaw sa kanila nang hindi pa rin ito sumasagot.

Sabay na napaigtad silang dalawa habang nanginginig pa sa labis na takot.

"H-Hindi na mauulit, Jeon."-Charles

"Hinding hindi na namin papakialaman si Taehyung kahit na kailan."-Felix

"Siguraduhin niyo lang."-Yugyeom

"Tumalikod ka, Felix." Mahina pero mariin kong utos sa ugok

"T-Talikod ako? B-bakit?"-Felix

Inis na napakamot ako sa batok ko.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now