JUNGKOOK'S POV
"I love you, too Taehyung. Let's get married, love."-Jungkook
Sunud sunod na umiiyak itong tumango sa leeg ko.
Lumuluhang binalingan ko si Mr. Kim na ngayun ay mamamasa masa na rin ang mga mata habang nakamasid sa aming dalawa ni Taehyung.
"Tito...." Nagsusumamo kong saad sa kanya na tila nanghihingi ako ng permiso sa kanya.
Alam kong kahit hindi ko tapusin ang dapat na sabihin, maiintindihan nito ang mensaheng nais kong iparating.
Napangiti ito sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata. Kahit lumuluha makikita ang labis na kaligayahan sa kanyang mukha.
"Ingatan at mahalin mo ang anak ko. Ipinagkakatiwala ko na siya sayo." Nakangiti nitong saad.
Nilapitan naman agad ito ni Dad saka sunud sunod na mahinang tinapik ang likod niya habang parehung may mga ngiti sa mga labi nila.
"Akalain mo yun, may maayos din tayong nagawa sa buhay nating dalawa."-Daddy
"This moment is what we are waiting for."-Mr. Kim
Inilayo ko sa katawan ko si Taehyung dahil patuloy pa rin ito sa paghikbi sa balikat ko.
"Love, iiyak kana lang ba diyan? Baka naman gusto mong tumahan na para maikasal na tayong dalawa?" Malambing kong saad sa kanya.
Malakas na humikbi ito saka mahinang pinalo ako sa dibdib dahilan para magsipagtawanan ang mga bisita.
"Pakasalan mo nako, ngayundin mismo."-Taehyung
Nakangiting pinakatitigan ko ang mukha niya saka masuyong pinahid ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
Napapikit pa ito nang tuluyang dumampi ang palad ko sa kanyang pisngi.
"Mahal na mahal kita." Madamdamin ko pang wika.
Napatango naman agad ito habang nanatiling nakapikit ang mga mata.
"Mahal na mahal din kita."-Taehyung
"Oo, alam naming mahal na mahal niyo ang isa't isa pero tama na yan. Aba, gusto din naming matuloy na sa reception at nang makakain na." Biglang sigaw ni Mingyu dahilan para matawa ang lahat.
"Ay, tangina parang patay-gutom to. Nakakahiya ka."-Yugyeom
"Hindi ko kilala yan. Hindi ko kaibigan yan. Kinakahiya ko yan."-Jackson
Sabay kaming napailing ni Taehyung sa kalokohan ng tatlong unggoy.
Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak sa likod namin nina Dad at Mr. Kim.
"Bilisan niyo na."-Daddy
"Magpakasal na kayong dalawa."-Mr. Kim
Naramdaman ko ang paghawak ni Taehyung sa kamay ko at paglingon ko ay ang masayang mukha niya ang bumungad sa akin.
Naiiyak na tumango ako sa kanya saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya.
Nagsipagpalakpakan na naman ang lahat nang magsimula kaming maglakad papunta sa harap ng altar kung saan naghihintay na ang magkakasal sa aming dalawa.
Parang panaginip lang ang lahat sa sobrang ganda ng mga pangyayari.
Isa itong pangarap ko na ngayun ay mabibigyan ng katuparan.
Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal ko sa kabila ng mga pagsubok na hinarap namin.
MOMENTS LATER.....
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Random"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...