CHAPTER TWENTY (BLAME IT TO THE DESTINY)

1.6K 98 48
                                    

8 YEARS LATER....

JUNGKOOK'S POV

"Ayusin niyo to. Magtutulungan tayo. Hindi titigil ang trabaho dahil sa kanya. Ayokong magka problema tayo. Survey the area and I'll double check the blueprint again. Hindi titigil ang trabaho natin dahil sa gagong yun."-Jungkook

Sunud sunod namang tumango ang mga engineers na nasa harap ko kasama na doon sina Mingyu, Jackson at Yugyeom.

"Wala na akong iba pang sasabihin. Uulitin ko, ayusin niyo ang trabaho niyo. Hindi pwede magka problema ang project na to. Makakaalis na kayo."-Jungkook

Agad namang sinunod ng mga ito ang inutos pero nanatiling nasa kwarto sina Mingyu, Yugyeom at Jackson.

Nangungunsuming napaupo nalang ako swivel chair ko at saka nahilot ang sentido.

Tangina. Bakit kasi kailangang may tumraidor sa akin ng ganito?

Pinagkatiwalaan ko si Architect Park dito pero tinakbuhan lang ako ng gago with a large amount of money. Okay lang sana kung maliit na project lang to pero this is my first major project after many years of being an engineer and putting up my own firm.

Isang first class hotel and resort ang project na to at hindi pwedeng mabulilyaso ako.

"Okay ka lang, bossing?"-Jackson

"Ulol, mukhang okay ba yang mukhang yan? Konti nalang mananapak na yan eh."-Yugyeom

"At kayong dalawa ang masasapak niyan kapag hindi kayo tumigil at tumahimik diyan."-Mingyu

Napapailing nalang ako.

Sumasakit na talaga ang ulo ko. Hindi ko pwedeng igive up tong project na to. Tiyak na sermon na naman ang aabutin ko nito kay Daddy.

"On serious note, just a suggestion, tama si Tito. Hindi natin pwedeng sundin ang project ni Architect Park. Baka mas lalong magkaproblema o may bagong problemang lalabas. I think kailangan mo nang maghanap ng bagong Architect na magdedesign ng project na to."-Mingyu

"And diba yung fiancee mo, isang magaling na Architect daw yun?"-Yugyeom

"Wala akong fiancee. Tumahimik ka diyan."-Jungkook

"Pinagkasundo kana ng Daddy mo kaya fiancee mo na yun. Ikakasal na nga kayo. Formal meetup nalang ang hinihintay."-Jackson

Inis na napatayo ako saka hinubad ang suot na necktie. Mabilis ko itong tinapon kay Jackson na nasapol naman sa mukha.

"Wala akong fiancee. Single ako. Ni hindi ko pa nga nakikita yung V na yun. Anong klaseng pangalan yan? Pati pangalan wala sa ayos."-Jungkook

"Then, kung ayaw mo sa fiancee mo, maghanap ka ng magaling na architect na kukuha nitong project mo. Bilisan mo at may deadline tayong hinahabol."-Mingyu

"Kung tulungan niyo kaya ako para naman kahit papano matuwa ako?"-Jungkook

"Para sa akin yung Architect V pa rin yung first choice namin. Magaling daw yun. Even though hindi ko pa siya namemeet ng personal dahil puro international project daw ang kinukuha nun, maugong na maugong ang pangalan niya."-Jackson

Napabuntong hininga nalang ako saka pasalampak na naupo ulit.

Last two months ago nang sabihin sa akin ni Daddy na pinagkasundo niya ako sa anak ng college bestfriend niya. Syempre, umalma ako.

Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag iisip na papayag magpakasal sa taong hindi mo nga kilala at hindi mo pa nakikita?

"Why don't you give it a shot, Jeon? Matagal tagal na panahon na rin ang lumipas simula nung magkahiwalay kayo ni Ysabelle. I think panahon na rin para pumasok ka ulit sa isang relasyon."-Mingyu

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now