CHAPTER TWENTY-FIVE (TORN)

1.5K 86 16
                                    

TAEHYUNG'S POV

"Tae, lasing kana. Tigilan mo na yan."-Lisa

Pilit na inagaw niya sa akin ang beer na hawak hawak ko pero maagap ko itong inilayo sa kanya.

"No, I want to get drunk tonight."-Taehyung

"Tae, but you're already drunk."-Lisa

Hindi na ako sumagot pa at bagkus ay nanghihinang sinandal ko ang katawan sa kanya. Mabilis naman niya akong inakbayan kaya hindi ko naman maiwasang tumulo ang mga luha kong hindi na yata maubos ubos.

Nasasaktan na talaga ako.

Gusto ko nang makalimot at sumuko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Dahil ngayun, masasabi kong mukhang wala na talaga kaming pag asa ni Jungkook. Oo, magkasama pa rin kami sa iisang bahay pero halos parang hangin nalang kami para sa isa't isa.

Napagod na rin akong sumubok na kausapin siya at ayoko na ring ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.

Nagkakausap lang yata kami ng maayos kapag tungkol sa trabaho at kapag may problema sa project pero bukod doon ay tila hindi na kami magkakilalang dalawa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyayari sa aming dalawa at kapag tinatanong ako kung ano ang problema naming dalawa ay wala akong maisagot.

Dahil ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano ang problema naming dalawa. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan ng biglang pagbabago niya.

Both dad and his father never commented on what we are facing right now. Para sa kanila malaki na kami at matanda na para ayusin kung ano man ang problema naming dalawa.

Sana nga ganun kadali ang lahat. Pero ang problema, paano namin aayusin kung ano man ang dapat ayusin kung hindi naman kami nag uusap?

"You really should stop crying, Tae. Ako ang nasasaktan kapag nakikita kang nagkakaganyan eh. Parang gusto kong sapakin ngayun si Jungkook sa mga pinaggagawa niya. Okay pa naman kayo diba?"-Lisa

"Okay pa kami. Pero hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganito na."-Taehyung

"Tae, ayaw kitang pangunahan at ayaw kitang sulsulan pero masaya kapa ba? Kaya mo pa bang mag stay sa ganitong sistema?"-Lisa

"What do you mean?"-Taehyung

"I'm telling you this because I'm your friend and I love you. You're losing yourself again because of Jungkook. Tae, is it still worth it?"-Lisa

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi agad ako nakapagsalita.

Is it still really worth it?

"Hindi mo kailangang sumagot ngayun, Tae. I don't want you to force yourself. Pag isipan mo muna ang sinabi ko. Wag mong kakalimutan na kahit anuman ang mangyari nandito lang ako para sayo."-Lisa

Naiiyak na tumango lang ako saka siya niyakap ng mahigpit.

Napaka swerte ko at nandiyan si Lisa sa tabi ko. Mula noon hanggang ngayun ay hindi niya ako iniwan. Siya ang naging takbuhan ko sa lahat ng bagay.

Iniba na nito ang usapan at saka namin ipinagpatuloy ang kaninang naudlot na inuman pero medyu sinasaway na nya ako at napaparami na nga ang naiinom ko.

"Architect?"

Sabay kaming napalingon ni Lisa nang biglang may magsalita sa likod ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Minjae.

"Minjae? Anong ginagawa mo dito?"-Taehyung

"Birthday ng isa kong kaibigan. Actually pauwi na ako nang makita kita."-Minjae

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now