TAEHYUNG'S POV
Naiiling na naglakad ako papunta sa nag iisang bakanteng upuan sa loob ng classroom at yun ay sa tabi ni Jungkook.
Pilit kong iniignora ang mga tinging pinupukol sa akin ng iba naming kaklase lalo na si Lisa at ang grupo niya.
Tsk. Ipahiya ko ba naman nung nakaraan. Alam kong gigil na gigil to sa akin.
Samantalang, magkatabing nakaupo naman sa harap namin si Bogum at Jimin na ngayun ay parehung may malapad na ngiti sa mga labi.
Napabuntong hininga nalang ako nang saktong makaupo na ako.
"Good morning, love." Mahina ngunit malambing na saad ni Jungkook habang nananatiling nasa harap ang paningin niya.
"Good morning."-Taehyung
"Pinuntahan kita kagabi sa inyo, tulog kana daw."-Jungkook
Hindi pa ako tulog nun . Hindi lang talaga ako lumabas para harapin siya.
Nung sinabi ni Namjoon hyung na nasa baba siya at hinahanap ako, ganun nalang ang malakas na pag kabog ng dibdib ko.
Matagal din kaming hindi nagkita pagkatapos ng gabing sunduin ko siya dahil sa labis na pagka lasing. Kaya hindi ko rin maikakailang namiss ko siya.
Pero mas pinili ko pa ring wag lumabas para makita siya.
"I missed you, Tae. I'm always missing you."-Jungkook
Narinig kong bulong pa niya nang wala siyang nakuhang sagot mula sa akin.
Hindi na ako sumagot pa ulit bagkus ay seryosong binaling ko ang paningin sa nagsasalitang Professor namin sa gitna. Nagpanggap nalang akong tila walang narinig.
Ilang sandali pa ay bigla itong nag announce na pumunta kaming lahat sa gymnasium para sa isang maiksing program para sa pagbubukas ng pasukan.
Same old Bulletproof University. Tiyak mae
Saktong pagtayo ko nang bigla akong hilahin ni Jungkook saka niyakap ng mahigpit. Nakita ko ang pag lingon ng ibang mga kaklase namin sa aming dalawa.
"Jungkook, maraming nakatingin."-Taehyung
"Ramdam kong wala akong pakialam?"-Jungkook
Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakayakap niya nang maramdaman ko ang pagyakap din ni Jimin at Bogum sa akin.
Nagsalo kaming apat sa isang group hug dahilan para hayaan ko na rin sila at hindi na sinubukang makawala pa.
Maya maya pa ay naramdaman kong unti unti na rin nilang akong pinakawalan. Napakunot pa ang noo ko nang makitang naluluha si Jimin na sinusubukan pa nitong itago.
"Miss na miss ka namin. Bakit hindi ka man lang nagsabi na nakabalik kana pala?"-Jimin
Naiilang na iniwas ko ang tingin sa kanya saka pilit na ngumiti kapagkuwan.
"Mamaya nalang tayong mag usap, Chimchim. Sobrang namiss ko rin kayong dalawa."-Taehyung
"Kaming dalawa lang?" Nang iintrigang dugtong pa ni Bogum habang nanunuksong binalingan si Jungkook na nakatayo sa gilid ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata dahilan para matawa ito ng tuluyan.
"Ang mabuti pa pumunta na tayo sa gymnasium at baka masabon pa tayo nang wala sa oras."-Jungkook
Nauna na itong naglakad kaya walang kaming nagawang tatlo kundi ang sumunod sa kanya.
Napakunot ang noo ko nang makitang mag isang naglalakad lang ito sa harap namin habang nakikipag kulitan sa harap niya sina Jackson, Yugyeom at Mingyu.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Random"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...