CHAPTER THIRTY-THREE (FINALLY GIVING UP)

1.9K 101 107
                                        

TAEHYUNG'S POV

"Love, please...." Jungkook said while still catching his breath.

Pilit ako nitong pinipihit para harapin siya pero nagmatigas ako. Nananatili akong nakatalikod sa kanya habang salitan kami sa paghikbing dalawa.

Mahigpit na hawak hawak niya ang kamay ko na tila takot na takot itong makawala ako.

"Tae, please. Come back."-Jungkook

Hindi ako sumagot pero mas lalo akong naiyak nang marinig sa malapitan ang pagsusumamo sa boses niya.

"I love you. I love you, Taehyung. Please come back."-Jungkook

"Let go, Jungkook." Nahihirapan kong tugon sa kanya.

"Please naman, Tae. Ayusin naman natin to. Susuko na ba talaga tayo sa ating dalawa?"-Jungkook

Padabog na kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka siya galit na hinarap.

"Ikaw ang nag tulak sa aking sukuan ka. Pinaglaban kita, Jungkook. Inuna kita kesa sa sarili ko. Umabot pa ako sa puntong wala nang naiwan sa sarili ko kahit respeto."-Taehyung

"Nagkamali ako. Babawi ako. Please, Tae. Please. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang."-Jungkook

"Jungkook..... Wala ka nang magagawa pa. Ayoko na talaga." Humihikbi kong saad.

Mariin na naipikit ni Jungkook ang mga mata na tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.

Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero tutol ang kalooban ko.

Ayoko na.

Sunud sunod na hagulhol mula kay Jungkook ang kasunod kong narinig.

Parang piniga ang puso ko sa loob ng dibdib ko nang marinig ang sakit sa boses niya.

Ilang beses pa itong humugot ng malalim na buntong hininga na tila sa pamamagitan nun ay nakakuha ito ng lakas ng loob para magsalita ulit.

"H-Hindi m-mo na b-ba ako mahal, Tae?" Nagsusumamong saad ni Jungkook.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung anu ang isasagot sa kanya.

Kung magsasabi ba ako ng totoo o magsisinungaling ako.

Dahil baliktarin man ang mundo, isa lang ang tanging sagot na alam ko.

Mahal ko siya.

Mahal na mahal.

"Jungkook, wag na nating gawing mahirap to para sa ating dalawa." Sa halip na sagot ko.

Pero sunud sunod na umiling lang ito na tila hindi iyon ang sagot na hinihintay niyang marinig mula sa akin.

"Mahal mo pa ba ako? Dahil kung ako ang tatanungin mo, mahal na mahal kita Taehyung."-Jungkook

Mariin kong naipikit ang mga mata nang idinala nito ang kamay ko sa mga labi niya. Masuyo nitong dinampian ito ng mumunting halik.

Naramdaman ko pa ang pagtulo ng ilang luha niya sa kamay ko.

"Mahal mo pa naman ako diba?" Umaasang wika ni Jungkook

"H-Hindi na kita mahal, Jungkook. Pagod na akong mahalin ka. Ayoko na talaga. Paulit ulit nalang to."-Taehyung

Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ang malakas na paghagulhol ni Jungkook sa harap ko. Umabot pa sa puntong, tila nahihirapan na itong huminga.

"Hindi na? Hindi na talaga? Kahit konti, wala na?"-Jungkook

Hindi ako sumagot pero iniwas ko sa kanya ang paningin.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEStories to obsess over. Discover now