SHORT PROLOGUE (THE NERD AND THE BULLY)

11K 241 116
                                    

BULLETPROOF UNIVERSITY.....

TAEHYUNG'S POV

Humihingal na tumatakbo ako sa mahabang pasilyo ng university namin habang pilit na hinahawakan ang salamin sa mga mata ko para hindi ito mahulog.

Kung inaakala niyong late na ako, nagkakamali kayo. Dahil ang totoo, masyadong maaga pa ako para sa first class namin.

Pero dahil mukhang siniswerte ako ngayung araw, nasa gate pa lang ako ay nakasalubong ko na ang mga lintek na bullies ko.

On cue, na tumakbo ako papalayo sa kanila bago pa nila ako magawan ng kung anu anong kagaguhan pero parang mga ulol na rin itong agad na sinundan ako.

"Takboooo Nerd! Takbooooo!"

"Bilisan mooooo!!!!"

"Ulol! Tumatakbo na nga! Binibilisan pa!"-Taehyung

Hindi ko alam kung bakit ako ang gustung gusto nilang pagtripan. Sa dami ng nerd dito sa buong campus bakit ako pa? Nanahimik naman ako ah.

Tsk.

Palagi nalang ganito. Nakakasawa na rin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila sadyang malakas lang talaga ang hatak ko sa kamalasan.

Gusto ko lang namang mag aral ng maayos dito at maka graduate nang matiwasay pero napaka labo ata ng gusto kong mangyari.

Mabilis na tinahak ko ang daan papunta sa rooftop pero bago pa man ako tuluyang maka tapak sa unang baitang ng hagdan ay bumungad na sa akin ang mukha ng lalaking labis kong kinamumuhian.

Jeon Fucking Jungkook.

"Ang aga aga pa, Jungkook. Tangina naman oh." Hinihingal na reklamo ko sa kanya pero nginisihan lang ako nito.

Habol ko ang hiningang hawak hawak ang dibdib habang pilit siyang tinitingnan ng masama.

"Eh, sa ang aga mong nagpakita sa kanila eh."-Jungkook

"Hanep, hindi naman ako invisible para hindi niyo makita."-Taehyung

"Dapat hindi ka nalang pumasok eh. Nakakabanas kasi yang pagmumukha mo."-Jungkook

Narinig ko na ang mga yabag ng dalawa niyang ulupong sa likod na ngayun ay habol na rin nila ang mga hininga.

"Jackson at Yugyeom, okay lang kayo?"-Jungkook

"Grabi, pinagod kami ng nerd na yan."-Yugyeom

"Ang bilis tumakbo, potek."-Jackson

Napailing nalang ako nang maramdamang tuluyan na silang nakatayo sa likod ko.

Suumusukong itinaas ko ang dalawang kamay pagkatapos ayusin ang bag pack sa likod ko.

"Pwede bang mamayang hapon nalang? Puting puti ang uniform ko oh."-Taehyung

"Walang basagan kasi ng trip eh sa ngayun namin gusto."-Jungkook

"Ang aga aga pinapagod niyo ko eh."-Taehyung

"Kung hindi kana sana tumakbo, hindi kapa sana napagod."-Jungkook

"Ay kasalanan ko pa, pasensya na hinabol ako ng mga alagad mo eh."-Taehyung

"Alagad?"-Jungkook

"Oo, alagad ng kadiliman."-Taehyung

Agad namang napabungisngis ang dalawang ugok sa likod ko habang lalong sumama naman ang mukha ni Jungkook sa harap ko.

"Ang talas talaga niyang dila mo pero lampa ka naman."-Jungkook

"Okay lang sakin maging lampa atleast hindi ako nananakit ng kapwa."-Taehyung

THE CAMPUS NERD'S REVENGEWhere stories live. Discover now