TWO WEEKS LATER.....
JUNGKOOK'S POV
Nanginginig na nabitawan ko isa isa ang mga hawak na litrato. Bumungad ito kanina sa locker ko at hindi ko maiwasang manginig ang buo kong katawan sa nakita.
Mga hubad na litrato ni Minho at Taehyung habang magkatabi sila sa iisang kama. Natutulog si Taehyung habang nakayakap siya sa hubad na katawan ni Minho.
Agad ko ring pinulot ito isa isa bago pa may makakitang iba.
Mababakas ang mga kissed marks sa katawan ni Taehyung na lalong nakapag paigting ng panga ko.
So, kay Minho pala galing ang mga kissed marks na yun. Pero bakit hindi binanggit sakin to ni Taehyung? Bakit ang sabi niya ay nagising nalang siya nang mag isa at kahit anino ni Minho ay wala?
May isang litrato pa doon na nakahalik si Minho sa mga labi ng natutulog na si Taehyung.
Kung hindi ako magkakamali sa hotel mismo na to ko sinundo si Taehyung ng gabing yun. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat? Bakit itinago niya sa akin ang bagay na dapat ay sinabi na niya sa akin para naihanda ko ang sarili ko. Ilang beses ko siyang tinanong tungkol dito pero wala man lang itong maayos na sagot na ibinigay sa akin.
May isang sulat na nakaipit kasama ang mga litratong ito kaya mabilis ko itong binuksan at binasa.
***************************
Gusto mo ba ang mga nakikita mo? Ngayun mo sabihing ako ang sinungaling at si Taehyung ang nagsasabi sayo ng totoo?
Pinapaikot ka lang niyan, nagpapaniwala ka naman. Gusto mo bang ikwento ko pa sayo kung gaano kasarap si Taehyung ng gabing yun? Sinasabi ko sayo, halos mabaliw baliw ako.
Hindi mo pa natitikman no? Kawawa ka naman, Jeon. Masyado mo kasing binubulag ang sarili mo sa labis na pagmamahal sa kanya. Hindi mo ba nahahalatang niloloko kana?
Alam kong dadating ang araw na pasasalamatan mo ako. By the way, ang lakas mo nga talagang sumuntok. Tumabingi panga ko eh. Pero lintek lang ang walang ganti, Jungkook.
Choi Minho
*********************************
Nagsisipag unahan sa pag bagsak ang mga luha mula sa aking mga mata habang nilakumos ang sulat na pinadala ni Minho sa akin. Napayuko nalang ako habang pilit na kinakalma ang sarili. May iilang estudyante na napapalingon sa direksyon ko pero pilit kong tinatago sa kanila ang mukha.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Diversos"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...
