JUNGKOOK'S POV
Mas lalong lumayo sa akin si Taehyung pagkatapos ng insidente sa function hall. Pagkatapos niyang sagutin si Lisa nang araw na yun ay mabilis itong umalis na agad naman itong sinundan ni Bogum.
Ilang beses ko na rin siyang sinubukang kausapin pero wala talaga. Makita pa lang ako nito ay agad itong umiiwas. Kapag sa loob ng classroom ay hindi ko naman magawang makalapit sa kanya dahil laging nakabantay ang mga mata nila Yugyeom, Mingyu at Jackson.
Hanggang ngayun ay gusto kong malinawan sa naging sagot niya sa tanong ni Lisa. Nang dahil sa nangyari ay mas lalong nagulo ang puso at isip ko.
I'm craving for him.
I'm craving for Kim Taehyung.
And I need to satisfy my craving for him.
Nasa loob kami ng klase ngayun para sa last class namin at kasalukuyang nag didiscuss ang aming Math Professor pero hindi ko magawang alisin sa kanya ang mga mata habang abala naman ito sa pagsosolve nang equation sa harap.
Kung hirap na hirap kami sa pagkuha ng sagot, sa kanya sisiw na sisiw lang. Kahit siguro na nakapikit siya ay masasagutan niya pa rin ito.
Ang talino talaga ng nerd na to. Parang lahat ng subject siya ang nangunguna. Complete attendance at laging pambato ng university karamihan sa nga inter-school contests.
"Thank you so much, Kim. You can now go back to your seat."-Math Professor
Maya maya pa ay biglang gumuhit ang nakakalokong ngisi sa mukha nang may maisip.
"Okay class, is there any question? Nakuha niyo ba kung paano nakuha ang tamang sagot? Coz on my opinion, Taehyung used the very easiest way on how to solve it."-Math Professor
Bigla akong nagtaas ng kamay dahilan para makuha ang atensyon ng professor namin.
"Yes, Jeon?"-Math Professor
"Sir, wala po akong naintindihan."-Jungkook
"Wala kang naintindihan? Saan parte ka nahirapan?"-Math Professor
"Lahat po."-Jungkook
Nakita ko kung paano nahilot ng Math Professor namin ang sentido habang nangungunsumi na binalingan ako ng tingin.
"Pinaliwanag at ipinakita na lahat lahat wala kapa ring naintindihan?!"-Math Professor
"Teka, tama naman ang sagot mo ah."-Yugyeom
Akmang kukunin nito ang pinag gamitan kong scratch kanina pero agad ko rin naman itong nilakumos at inilayo sa kanya.
"Tumahimik ka diyan. Hindi ikaw ang kinakausap ko."-Jungkook
Pinandilatan ko pa ito nang mata saka binalik ang tingin sa naka kunot noo paring Math Professor namin.
"Pasensya na Professor, I'm just having a little bit of confusion to the second part of the equation."-Jungkook
"Do you want me to repeat again on how to solve the whole equation?"-Math Professor
Agad akong umiling saka tila nahihiyang ngumiti sa kanya.
"Kung pwede po sana, Sir na si Taehyung nalang ang mag explain ulit sa akin ng equation."-Jungkook
Napangisi nalang ako nang agad na nilingon ako ni Taehyung na may buong pagkagulat at pagtataka sa mukha.
"But I'm afraid we don't have much time to discussed it all over again with the whole class. So, ang ma isasuggest ko nalang ay ang mag one on one nalang kayo mamaya after dismissal sa study area."-Math Professor
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD'S REVENGE
Nezařaditelné"What the hell is your problem?!"-Taehyung "You."-Jungkook "The fuck is wrong with you?!"-Taehyung "I just hate you, okay?"-Jungkook "And why the hell is that?!"-Taehyung "For no apparent reason."-Jungkook "You're so impossible!"-Taehyung "I'm so ho...