CHAPTER TWENTY-EIGHT (THE REAL CUPRIT)

1.8K 105 46
                                        

A WEEK LATER...

JUNGKOOK'S POV

Hindi naging maganda ang mga sumunod na araw para sa akin.

Wala akong ginawa para mag reach out kay Taehyung at suyuin siya.

Hinayaan kong ganito ang sitwasyon naming dalawa at sa halip ay inabala ko ang sarili sa project since patapos na ito.

Alam kong maraming gustong magtanong kung anong nangyari sa aming dalawa pero walang naglakas ng loob na magsalita. Hindi ko naman kasi itinatago sa kanila na ayaw kong pag usapan ang tungkol doon.

The wedding is off and my ex-fiancee is always with Minjae. That fucking Kim Minjae.

Ayoko man pero palaging umaabot sa akin ang balitang yan. To the point minsan may nababara na akong mga kaibigan.

Ayoko na munang makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya.

Dahil kahit gustuhin ko man alam kong hindi na namin maaayos tong dalawa. Kahit gustuhin ko man alam kong wala na kaming pag asa.

Tama siya. Love without trust is nothing. Kulang ang mga salitang mahal namin ang isa't isa kung hindi ko man lang magawang mag tiwala sa kanya.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko rin ginusto to.

Part of me, gustong paniwalaan ang mga sinabi niya tungkol sa nangyari sa kanila noon ni Minho pero the other half of me is screaming that Taehyung is lying again. That I can't trust every word that he's saying.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaba ang binabasang weekly report. Kanina ko pa ito sinusubukang intindihin pero walang pumapasok sa isip ko.

Nabablangko ang utak ko. Ni hindi ko magawang mag focus sa trabaho kahit sa dinami rami nito. Tanging mukha ni Taehyung ang laman ng isip ko.

"Shit, I miss him and it's driving me insane." Hindi ko naiwasang bulalas at nawala sa isip kong hindi lang pala ako ang tao sa loob ng opisina ko.

"So, your missing Taehyung? Your fiancee?" Nang aasar na saad na Yugyeom na agad ko namang sininghalan.

"Correction, his ex fiancee. Taehyung is no longer part of his fucked up life." Mingyu said bitterly.

"Mingyu....." Narinig ko pang mahinang saway sa kanya ni Jackson.

"Why? Totoo naman diba? Kung gusto niyong hayaan yang gagong yan sa pinaggagawa niya, pwes ako hindi. Walang ginawa si Taehyung na masama. I think mabuti na rin na nangyari ang lahat ng to. That bastard don't deserved Taehyung. Taehyung deserves all the happiness in this world. Hindi yung ilang beses na nga syang nagbigay ng pagkakataon sa isang gago diyan pero paulit ulit din nito iyong sinasayang."-Mingyu

Naikuyom ko ang kamao nang marinig ang sinabi niya pero parang wala lang dito ang galit sa mukha ko.

"Mingyu, stop it."-Yugyeom

"Sige, i-spoiled niyo lalo ang ugok na yan pero labas na ako diyan. I'm sick and tired of extending my understanding to the man who don't deserve it."-Mingyu

Yun lang at agad na itong lumabas ng opisina ko dala ang laptop niya.

Nabalot kami nang isang nakakailang na katahimikan nang maiwan kaming tatlo sa loob.

"I.. I guess, you need to prepare now, Jungkook. Meron kang meeting sa Seoul Restaurant mamaya with our next perspective clients." Basag ni Jackson sa katahimikan na agad namang sinang ayunan ni Yugyeom.

"Just don't mind, Mingyu."-Yugyeom

Naiiling na niligpit ko ang mga gamit para umalis habang nananatiling lang ang mgabito sa pagsunod sa mga kilos ko.

THE CAMPUS NERD'S REVENGEStories to obsess over. Discover now