"Zeen anak! Bumangon ka na diyan. Abay tanghali na, male-late ka sa trabaho mo." Sigaw ng kanyang Nana Loring habang kumakatok ito sa pinto ng kanyang kwarto.
Kinapa niya ang kanyang cellphone sa side table ng kanyang kama at tinignan ang oras. Napakamot siya dahil maaga pa at hindi pa nag-aalarm ang kanyang phone.
"Opo Nana Loring gising na po ako." Sigaw niya. "Hayy! Ang Nana Loring talaga mas excited pa sakin." First day kasi niya ngayon bilang nurse sa San Sebastian Medical Center. Isa ito sa pinakamalaking hospital sa Pilipinas at madami itong branches. Maswerte siya dahil kahit bagong graduate palang siya ay natanggap siya na makapag-trabaho dito pagkapasa niya ng board exam.
"Bumama ka na dito bata ka at nang makapag-almusal ka bago pumasok sa trabaho mo." Dagdag ng kaniyang Nana Loring.
"Opo. Maliligo lang po ako at magbibihis. Susunod na po ako." Sagot niya. She said a little prayer to thank God for the blessing. Agad na siyang nag-shower. She put on a light make up appropriate for her work as a nurse at nag-suot na ng kulay asul scrub suit na siyang uniforme nila sa hospital.
Bitbit na niya ang kanyang gamit pagkababa niya sa dining room para kumain.
"Naku! Ang ganda ganda talaga ng alaga kong ito! Bagay na bagay sayo yang yuniporme mo anak. Tiyak na natutuwa ang Mama mo ngayon sa langit!" Niyakap siya nito pagdating niya sa dining at agad siyang pinaupo na upang kumain.
"Ang Nana talaga nambola pa!" Naka-ngiting sabi niya. Ang Nana Loring na lamang niya ang kasama niya sa bahay simula ng mamatay ang kaniyang mama noong high school pa lamang siya. Matagal ng naninilbihan sa pamilya ng kaniyang mama ang matanda. Simula pa lamang na dalaga ang kaniyang ina ay ito na ang nag-aalaga dito. Hanggang sa itakwil ng kaniyang lolo at lola ang kaniyang mama dahil ayaw ng mga ito sa kaniyang papa, ito parin ang nag-bantay at nag-alaga sa kaniyang mama. Isang anak na ang turing nito sa kaniyang ina kaya naman nang mamatay ito dahil sa breast cancer, si Nana Loring na ang tumayong lola niya.
"Totoo naman anak! Manang mana ka sa mama mo. Halos magka-hawig kayo noong ganyan pa ang edad niya sayo." Kwento ng kanyang Nana Loring.
"Kaya nga madaming lalaki ang nagkakagusto sa mama mo. Ewan ko ba naman bakit yung ama mo pa ang napili." Dagdag pa nito habang nakasimangot.
"Nana huwag nalang po natin pag-usapan si papa." Sabi niya habang nagsisimula na siyang kumain. Sumabay na din sa kaniya ang matanda.
"Hanggang ngayon ba eh, hindi mo pa din siya napapatawad?" Tanong ng matanda tungkol sa kaniyang papa.
"Hindi ko po alam Nana." Kibit balikat niya. Ang totoo, hangang ngayon, hindi pa din niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kanilang mag-ina. Nagmadali siyang kumain upang maka-iwas na sa topic. She really wanted to forget about her father and start a new life, lalo na ngayong mayroon na siyang sariling trabaho. Kaya na niyang mag-isa, kahit hindi siya umasa sa papa niya.
"Abay dahan dahan ang subo anak. Ang ganda ganda mong dalaga kung maka-subo ka para kang sumo wrestler." Patawa ng kaniyang Nana Loring sabay abot ng baso ng tubig. Muntik na niyang maibuga ang kinakain dahil sa sinabi nito. Kaya naman pareho silang nagtawanan.
"Nana mauna na po ako baka ma-late na po ako." Paalam niya sa matanda sabay halik sa pisngi nito.
"Oh mag-iingat ka anak. Kaawaan ka ng Diyos. Huwag ka nang mgpa-gabi ng uwi ah." Bilin nito sa kaniya.
"Opo Nana. Bye po!" At inihatid na siya nito sa garahe upang makasakay sa kaniyang kotse na regalo pa sa kaniya ng kaniyang mama.
Malapit lang ang San Sebastian Hospital sa kanilang lugar. While driving, she could not help but think about the past. Gusto na niya itong kalimutan pero hangang ngayon masakit pa din sa kaniya ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...