"Bro, are you sure about this? Baka magalit si tita."Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Kline, one of his few friends. Best friend na nya ito, pati si Yanku, since grade school.
"Uwi nalang kaya tayo, pati kami malilintikan nito eh" Singit ni Yanku na nagkakamot ng ulo. Lukot ang gwapo nitong mukha.
"Umuwi na nga kayo!" Singhal nya sa mga ito at dirediretsong pumasok sa isang high end bar. Agad namang tumakbo pasunod sa kanya ang dalawa.
Actually, he called his friends for them to hang out, and then drown himself, and his feelings to the point of numbness, with alcohol. The reason, his girlfriend, Diane, ang tanging babaeng nagustuhan niya buong buhay niya, na minahal niya, at nagpasaya sa kanya, just left him six days ago, without an effing single word. Akala niya kaya niyang solohin ang pinagdadaan dahil sanay naman siyang nananahimik lang at kinikimkim ang saloobin mag-isa. Halos araw araw at gabi gabi siyang umiiyak ng dahil lang kay Diane. Nagtataka na lamang ang mga kapatid niya dahil lagi siyang walang gana sa lahat ng bagay, laging puyat, at hindi na din siya nakakapasok sa trabaho niya sa isa nilang kompanya. Hindi naman niya masabi kay Ysabella, his twin sister, ang problema niya dahil nahihiya siya dito.
"Bro ikaw ang bahala ah, wala kaming alam dito, sinasamahan ka lang namin." Sabi ni Kline habang papunta sila sa isang pwesto malapit sa bar area sa loob. Wearing just a simple faded jeans and a black hoodie, Gab managed to turn heads, particularly the female guests, which was, conceit aside, a common scenario for him and his friends.
"Bro daming chicks!" Busy naman si Yanku sa pag-hunt ng magagandang babae sa loob ng bar. "Pero Gab bro, labas kami dito ah. Baka balatan kaming buhay ng mommy mo." Dugtong ni Yanku na naging worried and itsura.
Bawal kasi kay Gab ang alcohol. It does have bad effects on him. Pagdating kay Gab, over protective ang mommy niya, dahil simula palang noong mga bata pa sila ay sakitin na siya. Labas pasok siya sa hospital kaya naman ingat na ingat sa kaniya ang mommy niya. Niloloko nga siyang momma's boy ng mga kapatid niya. Ngayon ay nakalabas siya dahil nasa America ang parents niya for a business trip.
"Akong bahala." He assured them. Alam niyang worried ang mga ito sa kanya. Para na niya itong mga kapatid.
"Ok! Tara! Gamutin na natin yang sugatan mong puso." Masayang biro ni Kline. Pinilit niyang ngumiti pero ayaw makisama ng kanyang mga mata, bigla kasi siyang naluha. Hindi niya kayang magpanggap na hindi siya nasasaktan.
Shit Gab! This is so pathetic! Naiiling na sabi ng isip niya.
"Tsk. Kaya mo yan Gab bro." Sabi ni Yanku. Inakbayan siya nga mga ito at inalog-alog ang balikat niya. "Umorder na nga tayo." Said Kline habang paupo na sila at sinenyasan ang waiter.
"Fuck bro! Hindi ko naman alam na ganito pala kasakit!" Hindi na napigilan ni Gab na umiyak. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinaka-iyakin. Tumutulo ang kanyang luha. Inalis niya ang kanyang salamin dahil nabasa iyo ng luha. "Ayoko na ng ganito. Ang hirap hirap." He said while wiping his prescription eyeglasses. Malabo ang mga mata niya since high school, he overused them with reading books. He's a smart ass guy, na nagpaka-tanga sa babae, unfortunately.
"Iinom mo nalang yan bro. Madami pang ibang babae dyan." Sabi ni Kline habang umiinom na ng alak.
"Kaya ako bro, hindi ako magseseryoso katulad ng ginawa mo, not until I'm thirty. Kita mo nasaktan ka lang." Said Yanku while drinking.
"I loved her! Para siyang prinsesa kung itrato ko. Bro, hindi ko siya pinatapak sa lupa. Anong bang kulang ko ha? Ano bang mali sakin?" Am I not good enough ha?" Sunod sunod na tanong ni Gab. Nagkatinginan si Kline at Yanku. Pinipigil matawa dahil parang bata si Gab.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...