Masakit ang ulo ni Gab nang magising siya kinabukasan. Nasapo niya ulo nang nagtangka siyang bumangon kaya mula siyang nanatili sa pagkakahiga. Pinigil niyang mapaluha nang maalala ang dalaga, but despite his effort to be strong, he always fail when it comes to Francine.
Bakit ba parang napakadali dali para sa'yo na kalimutan ako? Bakit? Dahil ba sa lalaking yon? Ano bang mayroon sa lalaking iyon na wala ako? Sunod-sunod na tanong niya na lalong nagpasakit ng kaniyang damdamin.
Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay.
-Flashback-
Kahit pagod at puyat ay muling ipinagpatuloy ni Gab ang paghahanap kay Francine. Nagbaka-sakali siyang muli kaya mabilis siyang nagtungo sa bahay nito.
"Nana Loring, may balita na po ba kayo kung nasaan si Zeen?" Malungkot niyang tanong sa matanda.
Umiling lamang ang malungkot matanda. Nakatingin ito sa kaniya at parang awang awa ito sa kaniya.
"Sige po Nana Loring, magtatanong tanaong nalang po ako uli sa mga kasama niya sa ospital." Lalag ang balikat na nagpaalam siya sa matanda. Palabas na siya ng gate ng habulin siya nito.
"Gabriel anak, hindi ka ba napapagod? Tigan mo yang sarili mo, baka magkasakit ka."
"Ayos lang po ako Nana Loring." Sagot niya dito habang malungkot na nakangiti sa matanda.
"Gaano mo ba kamahal si Zeen?" Tanong ng matanda sa kaniya.
Doon na siya tuluyang napaiyak. Hindi niya napigil ang lungkot at sakit na nararamdam.
"Sobra po Nana Loring. Sobrang mahal na mahal." Sagot niya habang nakayuko at lumuluha. Nilapitan siya ng matanda at tinapik tapik ang kaniyang balikat.
"Tumawag siya kagabi nang maka-alis ka." Sabi nito. Bigla siyang napatingin sa matanda.
"P-Paano pong nangyari Nana Loring? Nasaan po siya? Okay lang po ba siya?" Sunod sunod na tanong niya habang pinupunasan ang sariling mga luha.
"Umalis na siya anak, nagpunta na siya ng Switzerland. Hindi ko alam ang eksaktong lugar pero sa Switzerland daw siya pupunta." Narinig niyang sabi ng matanda. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya agad nakapag-salita. Hindi niya alam ang mararamdaman.
"Pasensya ka na anak. Alam kong nag-aalala ka. Hindi ko na din nasabi sayo kaagad dahil nakiusap siya sakin ma sana huwag ko ng ipaalam sa iyo. Eh kaso hindi naman kita matiis anak na nagkakaganyan ka."
"Itinuloy po pala niya yung balak niya." Mapait na napangiti siya sa matanda.
No words can explain how hurt he was. Napakasakit isipin na buong akala niya ay sapat na siya para manatili ito at huwag siyang iwan. Kaya naman niyang maghitay dito. Nagawa na niya iyon nang matiyaga niya itong hinintay na maging ready para pumasok sa relasyon at tanggapin ang pag-ibig niya. Bakit hindi nito inisip iyon. Bakit umalis pa rin ito nang hindi man lang nagpapaalam. Kung talagang ito ang magpapasaya sa dalaga ay handa naman niya itong suportahan dahil mahal na mahal niya ito.
Pero bakit ganoon? Bakit parang balewala lang siya sa dalaga. Bakit parang balewala lang para dito ang mararamdaman niya ng bigla nalang siya nitong iniwan.
"Bakit daw po biglaan Nana Loring? Bakit po ayaw niyang ipaalam sakin?" Pinilit niyang maging mahinahon dahil nasa narapan siya ng matanda. His fists were clenched while fighting back tears.
"Hindi ko din alam anak. Wala naman siyang sinabi."
"Sige po Nana Loring, tutuloy na po ako." Mabilis na paalam niya sa matanda.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
