"Zeen anak! Naku mabuti naman at nauwi ka na. Abay miss na miss na kita." Sabi sa kaniya ni Nana Loring nang makarating sila ni Gab sa bahay nila. Inihatid kasi siya ng binata.
"Miss na miss din kita Nana." She said while giving the old lady a tight hug. She felt guilty for leaving her and now, she wanted to make it up to her.
"Nana, sorry po. Pangako hindi na ako aalis." Naluluhang sabi niya dito.
"Naku ito talangang batang ito. Abay wala namanng problema doon, ang mahalaga ay nasa mabuti kang kalagayan." Nakangiting sabi ng matanda habang pinapahid ang luha niya.
"Hmm, Nana may kasama nga po pala ako." Sabi niya. Saktong pagpasok naman ni Gab sa loob ng bahay, bitbit ang mga maleta niya. Gwapong gwapo pa din ito kahit pawis na ito dahil sa pagbitbit ng mga gamit niya.
"Nana Loring, good evening po. Kamusta po kayo." Sabi ni Gab. Ibinaba nito ang mga gamit niya at mabilis na lumapit sa matanda upang mag-mano.
"Naku kaawaan ka ng Diyos anak. Abay wala kang ipinagbago eh, gwapong gwapo pa din." Sagot ng matanda dito.
"Naku hindi naman po Nana." Nahihiyang sagot ng binata.
"Abay totoo naman. Ewan ko nga ba dine kay Francine at bakit aayaw ayaw pa sa iyo." Nakangiting sagot ng Nana Loring niya sa binata. Bigla tuloy siyang nahiya. Mabuti na lamang at nag-paalam ito upag lumabas muli upang kuhanin ang mga natira pa niyang gamit sa sasakyan.
Nang makalabas si Gab ay makahulugan ang ngiti ng matanda sa kaniya.
"Nagka-ayos na ba kayo ni pogi ha?" Tanong nito sa kaniya.
She didn't give her an answer but she smiled from ear to ear instead. Ewan niya kung bakit siya kinikilig.
"Abay kung ako sa iyo anak, huwag mo nang pakawalan iyang si Gab. Abay madalang na ang lalaking ganyan ngayon sa panahong ito. Matalino, sobrang bait, magalang, masipag, at abay napaka-pogi pa eh. Para naman magkaroon ako ng magaganda at magugwapong apo."
"Hala si Nana naman apo agad? Bata pa po kami." Kunwariy tanggi niya.
"Ay kung sabagay nga naman. Mga bata pa kayo, saka hindi pa kayo kasal kaya hindi pa pupwede yang mga ganyan." Sabi ng matanda.
Hindi siya nakakibo.
"O-Opo naman Nana." She stuttered. She almost forgot, conservative mga pala ang matanda.
"Huwag kayong tutulad sa mga kabataan ngayon. Abay kaya lamang ikinakasal eh dahil nabuntis na. Iba na talaga ang panahon ngayon." Iiling iling pa na sabi ng matanda.
Nagtaka pa siya na kinuha nito ang bible na nasa drawer.
"Mangako ka hija. Hindi mo isusuko ang Bataan hanggang hindi mo pa naitatali iyang si Pogi. Mahirap na anak, maraming kang kaagaw diyan malamang." Seryosong sabi ng matanda.
Kinuha ng matanda ang kamay niya at ipinatong iyon sa Bible. Napakagat siya sa labi nang maalala niya kung saan niya naihawak iyon kagabi.
Oh gosh!
"O-Opo Nana Loring hindi po." Napilitang sagot niya. Pinagpawisan siya bigla.
Nasa ganoong pwesto sila ng matanda ng muling pumasok si Gab. Bitbit nito ang mga natitira pa niyang gamit.
Gab looked puzzled. She and Nana Loring both laughed. Gab scratched his eyebrow wondering what happened.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...