After 1 Year.
"Girl ano susunduin ka ba namin?" Excited na sabi ni Bianca. They were talking over the phone.
"Hindi na kailagan Biancs. Basta dadating ako, promise." Sabi niya sa kaibigan. Ang bilis ng panahon, halos hindi niya namalayan na isang taon na pala siya sa Switzerland. Nagulat din siya sa bilis ng takbo ng relasyon ng kaibigan niya at ni Doc Harvey. Ikakasal na pala ang mga ito. Masaya siya para sa kaniyang kaibigan.
"Naku, magtatampo na talaga ako sayo kapag hindi ka pumunta. Promise mo yan girl."
"Yes I promise. Saka namimiss ko na din si Nana Loring." Sabi niya. Bigla niyang naalala ang matanda. Isang taon na din niya itong hindi nakita mula nang gabing iyon.
-Flashback-
"Nana Loring."
"Francine anak! Nasaan ka bang bata ka, ano ba nangyari sayo? Alalang alala ako sayo." Sagot ng matanda sa kabilang linya.
"Nana Loring sorry po. Mayroon lang po kasing nangyari. Saka ko na po ipapaliwanag. Andito po ako ngayon sa isang hotel. Nana pakidala po yung mga gamit ko at yung passport ko po. Itetext ko po sa inyo yung address.
"Oh sige anak. Galing nga pala dito si Gab, hinahanap ka."
"Nana Loring, makinig po kayo sakin. Huwag niyo pong sasabihin sa kaniya kung nasaan po ako."
Kalahating oras ang nakalipas ay dumating si Nana Loring sa hotel na tinutuluyan niya. Dala nito ang mga gamit na sinabi niya pati ang kaniyang passport. Pagkakita niya sa matanda ay hindi na niya napigilan ang mga luha. Napahagulgol siya habang yakap ang matanda.
"Ano bang nangyari anak?" Tanong ng matanda habang hinahagod ang likod niya. Hindi siya makasagot dahil sa sobrang pag-iyak at sakit na nararamdaman ng kanyang puso.
"Kung ano man yan anak, alam kong kakayanin mo iyan. Matapang kang bata. Mana ka sa iyong ina. Tahan na anak." Lalo lamang siyang napaiyak.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak sa balikat ng kaniyang Nana Loring. There were no words. She just wanted to let all her emotions out. Gusto lang niyang ubusin ang kaniyang mga luha para mapawi ang sakit na nararamdaman. Wari'y naintidihan naman siya nga matanda.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak?" Tanong nito kapag kuwan.
"Tumango lamang siya." Muli na naman tumulo ang kaniyang mga luha. Pinahid iyon ng matanda.
-End of Flashback-
"Huy Zeen! Hindi ka na sumagot" Agaw pansin ng kaibigan sa sa naglalakbay niyang isip.
"Ano na uli un Biancs?"
"Haay! Puyat ka pa yata galing duty. Ang sabi ko na-check mo na ba ung inviation na sinend ko sa email mo?"
"Hindi pa, ngayon palang gurl."
"Okay sige check mo nalang para alam mo yung ibang details ha. Sige Besh, at kailangan ko nang magprepare. Magfi-fit kasi ako ngayon nag wedding gown ko." Excited na sabi ng kaibigan niya.
"Okay sige. Im so happy for you girl." Sabi niya dito.
"Oh siya sige na baka magkaiayakan pa tayo dito no. Bye luv yah!"
"Bye, ingat" Paalam niya sa kaibigan.
She checked her e-mail and saw a copy of the wedding invitation that Bianca sent her. Noong una, ay ayaw pa sana niyang bumalik ng Pilipinas. Ngunit kalaunan ay napag-isip isip niya na sapat na siguro ang isang taon ng pagkukulong sa nakaraan. Uuwi naman siya para sa kaibigan at kay Nana Loring, hindi para kanino pa man.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
