Chapter 30

613 21 14
                                    

"Malapit nang maubos ang pasenysa ko ha. Siguraduhin mo lang na magagawa mo yan sa lalong madaling panahon!" Dumadagundong na sigaw ng lalaki sa kabilang linya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya at napapikit ng mariin bago sumagot dito.

"Y-Yes. Just give me some more little time." Nanginginig ang boses na sagot niya.

"Some more little time? Nagpapatawa ka ba? Ano to, inu-unti unti mo ba kami? Kung ako lang ang kausap mo, baka pwede pa. Tandaan mo, madaming naghihintay na maibalik ang pera na nawala dahil dyan sa kapalpakan ng tatanga-tangang ama mo."

"N-Naiintindihan ko po. S-Sige gagawan ko ng paraan."

"Dapat! Kung hindi sa kangkungan pupulutin ang ama mo. Baka sumama ka na din. Tawagan mo ako kapag may maganda ka nang ibabalita sakin!" And he hung up the phone.

Nanginginig siya sa takot at galit ng matapos ang tawag. Hindi na ba matatapos ang problema niya?

Bigla niyang naisip ang ama na nasa ospital at nangangailangan ng pera para madugtungan ang buhay. Kailangan na niyang magmadali. Hindi lang ang oras ang humahabol sa kanya para sa buhay ng kaniyang ama, kundi ang mga taong mayroon itong atraso.

Kung hindi lang talaga naunsyami ang mga plano niya malamang ay maayos na sana ang lahat.

"Sayang ka. Pero kailangan mong mawala sa landas ko, para magtuloy-tuloy na ang mga plano ko." Pabulong na sabi niya habang nakakuyom ang mga kamay.

Inilabas niyang muli ang cellphone at mayroong tinawagan.

"Hello. Magkita tayo." Maikling sabi niya.

*****

"Marc, naku huwag na kaya, nakakahiya naman, sobrang abala na yan." Francine said on the other line. She was talking to Marc, and he volunteered to bring her car to the vacation house. Sinabi na rin niya ang sitwasyon at plano niya sa kanila ni Gab.

She was very grateful to have a friend like Marc. Despite the rejection, he remained a good friend to her.

"Wala iyon Zeen. Papunta din naman talaga ako ng Batangas dahil mayroon akong i-ho-home visit na client ko. I can take the bus pabalik ng manila." Marc insisted.

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba maha-hassle nyan?" Nagaalalang at nahihiyang tanong niya sa binata.

"No. Not at all. So see you around 3pm. Abangan mo lang ako dyan sa gate ng vacation house." Sagot nito.

"Sige ikaw ang bahala. Thank you Marc ah."

"No problem."

"Ingat ka."

Mabuti na lang din at nasa opisina si Gab, para hindi na sila mag-abot ni Marc. Ayaw kasi niya na magka-problema pa sila ng binata. Alam niyang galit pa rin ito sa kaniya at ayaw na niyang dagdagan iyon para mapatawad na siya nito.

Pasado alas-tres ng hapon at nag-ring ang cellphone niya. It was Marc.

"Zeen, malapit nako sa gate ng vacation house. Ipapasok ko ba ang kotse?" Tanong nito.

"No. Hindi na. Salubungin nalang kita sa labas para hndi ka na maabala. Palabas nako."

"Okay sige."

Nagmadali siyang makalabas nang bahay at mabilis na nagtungo sa gate. She exited using the side door and waited for a couple of minutes. Maya maya ay nakita na niya ang kotse niyang parating. Huminto ito sa tapat niya.

Marc rolled down the window and greeted her. Napangiti siya. Matagal din niyang hindi ito nakita and she was glad that he's okay. He's a good guy and he deserved better.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon