Chapter 20

607 18 7
                                    

"Gab hijo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nana Loring sa kaniya. Dumaan siya sa bahay ng dalaga pagkagaling niya sa opisina.

"Ibibigay ko lang po sana ito kay Zeen." Sabi niya at tinignan nito ang dala niyang mga bulaklak.

"Hijo." Napabuntong hininga ang matanda.

"Andiyan po ba siya?"

"Naku eh kakaalis lang niya eh, magkikita yata sila ni Bianca." Sagot ng matanda.

"Ganoon po ba. Sige po Nana Loring pakibigay nalang po ito sa kaniya." Malungkot ang ngiti niya.

"Gab anak hindi ba-

"Please po Nana Loring." Pakiusap niya dito.

"Oh sige. Halika muna at magmiryenda ka."

"Hindi na po Nana, busog pa po ako. Mauna na din po ako."

"Oh siya sige, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka."

Pagkagaling niya sa bahay nina Francine ay dumiretso na siya sa mansyon upang doon mag-dinner ayon sa hiling ng mommy niya, its because his dad will be coming home from a business trip in Australia at gusto daw nito na sabay sabay silang magdinner.

They were all sitting in the dining, kompleto silang lahat mag-kakapatid. They already started with their dinner dahil baka mahuli daw dumating ang daddy niya because of the heavy traffic.

"So how's our lover boy, nagka-ayos na ba kayo ni Francine?" Panunukso sa kaniya ni Ysa habang kumakain sila. Hindi niya ito pinansin. He's not in the mood. Sumimangot lang siya.

"Gabby ang sungit mo na naman ah. Kuritin kita sa singit dyan." Sabi nito sa kaniya.

"Huwag mo kasing kulitin." Saway ng kuya Paul niya dito. "Pero bro, mukang may umaaligid dun sa chick mo ah." Baling nito sa kaniya. Tumingin lahat sa kanya ang mga ito.

"Kuya Gab, nakita ko din nung kasal ni kuya Harvey. Tsk. Walang panama sayo. Bigote mo palang taob na." Sabi ni Zach. Nginitian niya ito at ng-fist bump.

"But, Gabby what if sila na pala ni Francine?" Tanong ng kuya Luke niya. Napatigil siya sa pag-subo. Parang nawalan siya ng gana.

"Naku tigilan niya na nga ang kapatid niyo." Saway ng mommy nila. "By the way, Ysa, Gab, what are your plans for your birthday? Next Friday na iyon."

"Mom, can we not-

"There you go again Gabby, umiiral na naman yang pagiging KJ mo. Mom, I will plan a party." Nakangiting sabi nito sa Mommy nila.

"That sounds good. For sure madami uling chick dun. Thats exciting! Diba Gab?" Excited na sabi ng kuya Paul niya. Siniko ito ng kuya Harvey niya.

"What? Sinasabi ko lang naman na madaming chick. C'mon, he needs this." Sagot ng kuya Paul niya. Kahit kailan talaga ay maasahan ang prinsipyo nito sa pambababae. Naiiling siya.

Maya maya ay may pumasok sa dining area nila. It was his dad.

"Im home!" Bati nito sa kanila. Mabilis na tumayo ang mommy nila at niyakap ito. Their dad joined them. Hindi niya maintindihan pero nawalan siya bigla ng ganang kumain. Kinakabahan siya at nanginginig. Nabitiwan niya ang hawak na tinidor. Natapingin ang mag ito sa kaniya.

"Son are you okay?" Tanong ng dad niya sa kaniya. He was sweating and looking at his dad angrily. Different emotions started to surface. Before he knew it, his eyes were tearing up. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan.

"Excuse me." Paalam niya sa mga ito.

"G-Gab!" Habol sa kaniya ng mommy niya pero hindi na niya ito nilingon at diretso siyang pumunta sa garahe. Pagsakay niya ng kanyang kotse ay mabilis niya pinaharurot iyon paalis sa mansyon.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon