Pag-dating ni Francine sa nurses' station ay nakita niyang mayroong pinag-kakaguluhan ang mga kasama niyang mga nurse. Nakabalik na kasi siya sa duty niya sa hospital, and she must admit, she missed the environment lalo na ang mababait niyang mga katrabaho. But she also missed seeing Gab and taking care of him. She missed his peculiar habits, his cute facial reactions, his endearing demands, his waking up look, everything.
Haaay. Naiinlove na yata siya sa binata.
"Girl! Kaloka ka! May naghihintay sayo kanina pa. Saan ka ba galing?" Salubong sa kaniya ni Bianca. Parang kinikilig pa ito.
"Sa pasyente syempre saan pa." Sagot niya. Nagtataka siya kung sino naman ang tinutukoy nito. Hinila siya si Bainca papunta sa waiting area malapit sa station nila.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Gab na nakaupo doon. Nakayuko ang binata at halatang naiilang sa mga nurse na nakatitig dito. Hindi naman niya masisi ang mga kasama dahil sino nga ba naman ang hindi mapapatitig dito. He looked so handsome that every woman are ready to snatch him anytime. Bagay na bagay dito ang suot nitong plain white tshirt na pinatungan nito ng blue and green flannel, matched with faded jeans and sneakers. Nakasuot pa ito ng gray baseball cap.
Gosh! Who allowed this guy to look this handsome all the time? Lalo pa itong gumagwapo sa paningin niya dahil sa mga effort ng binata.
Noong isang araw ay galing ito sa bahay nila at mayroong dalang mga grocery items at pagkain. Natawa pa sila ng Nana Loring niya nang sabihin nito na naisip daw nito na magdala ng mga pagkain para hindi puro sardines at itlog ang kinakain nila. Kahapon naman ay nadatnan niya itong katulong ng Nana Loring niya na nag-sasampay ng mga damit nila. Muntik pa niya itong maitulak dahil hawak nito at mga undies niya at akmang isasampay nito.
Nakakahiya!
"G-Gab? A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito. Lumingon ito sa kanya. Nalusaw ang puso niya bakal.
"Zeen!" Mabilis itong tumayo gamit ang saklay. May dala na naman itong bulaklak. Parang tinatambol ang dibdib niya dahil sa ngiti nito. Lumapit ito sa kanya, amoy na amoy niya ang cologne nito.
"Ahmm, nanggaling kasi ako sa office ni kuya. Kaya dumaam na din ako dito. Here, this is for you." Iniabot nito sa kaniya ang isang cute na bouquet ng bulaklak. May mga narinig siyang ngtilian na mga nurse n kasama niya.
"Ay may pa-bulaklak girl? Meron kang hindi sinasabi sakin Francine Daza." Pabulong na sabi sa kaniya ni Bianca.
"Si Bianca nga pala kaibigan ko." Pakilala niya dito.
"Hi. Im Gab." Nakangiting bati naman ni Gab sa kaibigan niya. Nagkamay ang mga ito.
"Hello! Im the best friend. Nililigawan mo kaibigan ko?" Usiserang tanong ni Bianca.
"Oo nililigawan ko. Sana nga sagutin na niya ako." Sagot ng binata. Halos magkikisay naman sa kilig ang kaibigan niya. Siniko niya ito kaya lang ito natauhan.
"Magtiyaga ka lang. Medyo takot kasi sa lalaki yan." Pabirong sagot ng kaibigan niya. Nilakihan niya ito ng mata. Tumahimik naman ito.
"Nakakapag-drive kana?" Pag-iiba niya ng topic.
"Hmm yes. Thank you, ang bilis kong gumaling." He winked at her. Hindi niya alam bakit nag-init ang pakiramdam niya sa simpleng kindat nito.
"Hmm, Zeen. M-May gagawin ka ba mamaya?" Tanong sa kaniya ng binata.
"Wala. Walang gagawin yan. Umuuwi lang kami agad pagkatapos ng duty." Sabat ni Bianca. Siniko niya ito.
"Yayain sana kitang kumain sa labas. K-kung okay lang." Nahihiyang sabi ni Gab sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...