Francine was stalking Gab's Instagram account. She scrolled through his account and discovered how humble Gab really was, kahit gaano ito kagwapo. Hindi katulad ng ibang mga lalaki na gwapong gwapo sa sarili. Halos lahat ng posts ng binata ay puro drawings lang nito. There were pictures of his friends, some nice views, and some posts about sports. There were no pictures of him. Except sa isang kuha nito na palagay niya ay kuha nito nung college graduation nito. And he looked really handsome in a green and black academic gown. Malamang ay campus crush ito noong college pa ito.
She accidentally liked the picture.
"Shit!" Nasabi niya. Napapikit pa siya. Syempre hindi na niya iyon pwedeng bawiin.
"Bakit girl?" Tanong ni Bianca. Nasa kwarto niya ito at makikitulog daw ito sa bahay niya. Maya maya ay nakita niyang nagmessage sa kaniya si Gab.
<Hi Zeen! Gising ka pa?>
Napangiti at kinilig sa Francine sa simpleng message na na-receive muka kay Gab. She replied.
<yeah! Patulog na din ako. Why>
<Nkita ko lng kc, u liked my picture.>
Sabi ko na nga ba eh! Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata. Baka isipin nito ini-stalk niya ito sa social media.
Bakit totoo naman ah, na ini-stalk mo siya lagi sa social media!
<Anyway, r u free dis coming friday?>
<Bakit?>
<We hav a dinner party for our new prospect investors. Small gathering lng nmn sa company. I just wna ask you to be my date on that night sana. Please :( >
Napatili siya sa nabasa. Huli na nang maalala niyang kasama pala niya sa Bianca. Hinablot nito sa kanya ang cellphone.
"Tili tili ka pa diyan gaga ka. Kunwari ayaw. Kilig na kilig naman." Pang-aasar sa kaniya ni Bianca.
"Should I say yes Biancs?" Tanong niya sa kaibigan. Kinuha niya dito ang cellphone. Itinapat pa niya iyon sa kaniyang dibdib.
"Kapag hindi ka sumama diyan sa lalaking iyan, mag-madre ka nalang! Ako mismo magpapalista sayo." Sigaw nito sa kanya at hinablot ang cellphone. Ito na mismo ang nagreply kay Gab.
<Ok, cge. Free ako sa Friday.>
"Oh ayan, ako na nagreply girl. Sent!" Nakangiting sabi nito sa kaniya. Hindi niya alam kung maiinis sa kaibigan pero sa pagkakataong iyon ay masaya siya sa ginawa nito.
<Talaga? Yes! Sabi mo yn ah. Wala ng bawian. I'll pick you up at 7pm.>
<Ok Gab. Ano dress code?>
<Its a formal dinner party, i cnt wait to see u.>
Kinikilig siya sa sinabi ng binata. Hindi siya nakareply agad. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Gab. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya.
"H-Hello? Gab, bakit ka tumawag?" She tried to sound normal kahit namimilipt na siya habang yakap niya ang unan.
"I just wanna hear your voice." Sabi ni Gab. Her heart was beating so fast. Triple ang bilis niyon.
"Hmmm." Hindi siya makapag-salita.
"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong ng binata sa kaniya.
"Gab, kakahatid mo palang sakin kanina" Sabi niya dito. But she cant help but smile.
"Kanina pa yon. Miss na kita agad." Sabi ng binata. Narinig pa niya ang pagbuntong hininga nito. "Sige na matulog ka na."
"S-Sige. Goodnyt Gab."
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
