Chapter 24

661 19 9
                                        

Francine nervously dialed Ysa's number. Kinakabahan siya pero sana ay mali ang kutob niya, dahil kung tama ito ay madudurog ang puso. After several rings, Ysa picked up.

"Hello sis, what's up? Napatawag ka?" Ysa said on the other line.

"Hi Ysa. Eto mabuti naman. Hmmm Ysa.?"

"Yes?"

"Pasensya ka na ah, I just wanna ask you something kasi."

"Go ahead sis, tungkol ba saan?"

She paused. Hindi niya alam kung nararapat pa ba niya itong tanungin. But she knew, she wont have a peace of mind without knowing the reason behind what she saw yesterday. Halos hindi na nga siya nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala.

"Uhm, why is Gab seeing a psychiatrist?" Finally she asked.

There was a long pause. Hindi kaagad nakasagot si Ysa.

"Pasensya ka na Ysa. I know, it's too personal, but-

"May gagawin ka ba today?" Putol nito sa sinasabi niya.

"H-Ha? Wala naman Ysa. Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Good. Lets meet at your house, around 4pm, may pupuntahan tayo."

"Okay sige. Salamat Ysa." Then she hung up.

Eksaktong alas kwatro ng hapon ay dumating si Ysa sa bahay nila. Umalis din sila kaagad gamit ang sasakyan nito.

"Ahm Ysa, where are we going?" Tanong niya kay Ysa habang nagda-drive ito.

"Sa Cavite, your questions will be answered there." Ngumiti ng matipid si Ysa. She looked sad.

Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating sila sa isang lumang subdivision sa isa sa mga bayan ng Cavite. Medyo liblib na ang parteng iyon ng bayan. Halos wala na din nakatira sa mga bahay doon.

Ysa parked her car in the curb side. She noticed Ysa took a deep breath.

"Where here sis." Ysa said and unfastened her seatbelt.

Francine looked outside the car window. There were nothing but tall trees behind the hedges. She looked across the street and she saw an old, tall and rusty metal gate. Engrave in the metal gate were the words "La Familia de Sebastian". Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngunit kinakabahan siya.

"Lets go." Untag sa kaniya ni Ysa. They went out of the car and headed across the street.

"Anong ginagawa natin dito Ysa? Nasaan ba tayo?"

"This village were formerly owned by my grandparents. And this was their house." Turo ni Ysa sa lumang gate na bakal.

Itinulak ni Ysa ang side door ng lumang gate at bumukas iyon. Pumasok ang dalaga sa loob at sinundan niya ito. Nang makapasok siya sa loob ay tumambad sa harapan niya ang isang malaki at marangya ngunit luma at sira sirang bahay. Wala na iyong bubong. Halos ang natitira na lamang ay ang malalaking pundasyon nito, ang mga pader at railings na gawa sa bakal at ang marmol nitong hagdan at sahig. Tinubuan na din ng mga puno at mga damo ang loob at paligid niyon. Despite its condition, the ruins showed how elegant and grand the house was.

"Tara." Said Ysa. Hinila siya nito palapit sa lumang bahay. Nakarating sila sa parte na kung saan ay palagay niyang dating terrace nito. Mayroong marmol na upuan at lamesa doon. They sat there.

"Ysa bakit tayo nandito?"

"Ano na nga uli iyong tanong mo kahapon sis?" Balik tanong nito.

"Ysa, bakit nagpupunta si Gab sa isang Psychiatrist? Okay lang ba si Gab?" She was nervous.

Gab's Beautiful NurseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon