Chapter 46

542 16 14
                                    

"Huy gurl!" Bianca called her attention. She was even waiving her hands on her face. They were at the hospital cafeteria having their snacks. Pero parang wala siya sa sarili niya.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"  Sabi pa nito.

"H-Ha? Sorry Biancs, ano na nga ulit yon?" Balik tanong niya dito.

"Tulala ka na naman girl. Iniisip mo na naman ba si Pogi?" Malungkot ang mukha ni Bianca. Alam niyang awang awa na sa kaniya ang kaibigan.

Napangiti siya ngunit unti-unting namuo ang mga luha sa mata nita. Nahihiya na siya sa kaibigan. Parang siyang tanga na bigla bigla nalang naiiyak.

"Sorry Biancs." She grabbed a tissue and wiped her tears. "Naalala ko lang kasi siya." Sagot niya dito.

Napabuntong hininga ito. Hinagod hagod nito ang likod niya.

"Sigurado ka ba kasi na kaya mo nang magduty? Magpahinga ka na muna kaya uli. Anyway, its only been one month mula noong-

"Biancs okay nako. Saka mas okay na din ito, atleast nalilibang ako, kaysa naman magmukmok ako sa kwarto ko diba."

"Sure ka dyan besh ah. Nag-aalala lang ako sayo." Sabi ni Bianca at hinawakan pa ang kamay niya.

"Yup! Sure na sure." Pinilit niyang pasiglahin ang boses. "Hmm.. Biancs may gagawin ka ba mamaya?" Dugtong na tanong niya.

"After duty? Wala naman. Bakit gurl?"

"Uhm, pwede kaya kitang ipag-paalam kay Harvey? Magpapasama lang sana ako sayo." Nag-aatubiling tanong niya.

"Sure! Sige sasamahan kita. Tatawagan ko nalang si Baby Doc." Nakangiting sagot nito. "Matagal tagal kana din hindi lumalabas gurl. Finally!" Sabi nito na excited pang niyugyog ang mga balikat niya.

"Thank you Biancs."

"Oh, saan naman tayo pupunta gurl?"

"Ah, eh sa City Jail sana. Kay Marc."

"H-Ha?! Sigurado ka ba diyan?" Worried na tanong nito.

Tumango naman siya.

"Sure ka na kaya mo na siyang makausap?" Sabi nito na natutop pa ang sariling noo. "Naku gurl, pwede ba mag-isip ka muna."

In fairness to Bianca, she remained a loyal friend to her after what happened between her and her stepbrother. Kahit stepbrother nito si Marc ay ni hindi siya nakramdam na pinilit siya nito na gumawa ng mga bagay na pabor sa kapatid nito. Actually, galit na galit ito kay Marc dahil sa ginawa nito.

"I think I'm ready Biancs."

Honestly, hindi niya alam kung ano ang mararamdam niya o magiging reaksyon niya kapag nakita niya muli si Marc. But she knew, she needed to have a closure with him. That way, she will be able to forget and move on completely.

Narinig niya ang pagbuntong hiniga ng kaibigan.

"Tsk. Ikaw ang bahala." Bianca surrendered as if she knew she wouldn't win.

Naging busy siya buong maghapon sa kaniyang shift, kaya naman kahit papaano ay nakalimutan niya ang lungkot sa kaniyang puso. Ni hindi niya namalayan na tapos na ang duty niya.

Sakay ng kotse ni Bianca ay tinungo nila ang City Jail kung saan kasalukuyang nakakulong si Marc. Habang papalapit sila doon ay lumalakas din ang kabog ng dibdib niya.

"Gurl, lets go." Bianca held her hand after she parked her car.

"Yeah. Let's go." Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon