Chapter 26

691 23 8
                                        

"I was so sure na ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. And I couldn't wait another day to make you mine forever, that's why umuwi ako kaagad. Pero wala. Nabalewala lahat 'yon. Dahil lang sa nakita mo."

"Don't ever concern yourself with me anymore."

"And please, let us not meet again."

Francine's tears automatically flowed when Gab's words that night echoed in her mind. Parang unti-unting pinipira-piraso ang puso niya sa sakit ng kalooban tuwing maiisip ang binata at ang mga nagyari sa kanila. She felt like she's dying whenever she think about how did they went from falling in love and being too sure about spending their life with one another to a very painful resentment and wishes of  not meeting one another anymore.

Basa ang kaniyang unan kaiiyak. She felt like she never stopped crying since Gab left her on the shore.

She picked up her cellphone and looked at Gab's pictures on her phone. Karamihan sa mga iyon ay mga panakaw na kuhang litrato ng binata. She stopped scrolling down when she saw a picture of Gab she took when he was still her patient, while he was sleeping. Her tears fell.

"Hindi ko sinasadyang masaktan kita." She whispered while crying. "I'm so stupid."

Ibinaba niya ang cellphone at pinag-sasampal ang sarili, as if it will end all her self hate.

"Zeen anak. Gising ka na ba? Lumabas ka na diyan para makakain ka naman." Narining niyang tawag ni Nana Loring sa labas ng kwarto niya.

She wiped her tears and forced her self to sound cheerful.

"Nana Loring hindi po ako nagugutom." She responded.

"Anak ano bang hndi nagugutom eh maghapon ka ng hindi kumakain. Ano ba talaga ang problema anak. Sabihin mo sakin para lumuwag iyang dibdib mo." Nag-aalalang sabi ng matanda. Nang-gilid na naman ang luha niya.

Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Nana Loring.

She smiled and acted as if everything was fine, that she was fine.

"Anak, andito lang ako. Ano ba yang dinaramdam mo?" Tanong ng matanda sa kaniya. Bakas ang pagaalala sa muka at tono nito.

"Wala po Nana, ayos lang po ak-

She tried acting as if shes ok, she even faked a smile, pero hindi nakapagsinungaling ang kaniyang mga mata dahil pumatak ang mga luha niya kahit nakangiti siya.

There, she couldn't hold it anymore. She cried. Covering her face with her palm. Nana Loring hugged her and patted her back.

"Nana Loring." She said between her sobs. Nana Loring just hugged her, hoping it would be enough to console her grief.

"Zeen girl! Hello-

Napatigil si Bianca ng makitang umiiyak siya. Hindi niya expected na pupuntahan siya ng kaibigan. Marahil ay nag-alala ito dahil hndi siya sumasagot ng call and messages.

Mabilis ito lumapit sa kanilang dalawa ng matanda at ito naman ang yumakap sa kaniya.

"Girl, kaya mo yan. Alam kong kakayanin mo yan." Pampalubag loob ng kaibigan sa kaniya.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon