It was already 11:30 in the evening at mukhang tapos na ang party dahil tahimik na sa labas ng sumilip siya sa bintana ng guestroom.
Francine sat on the edge of the bed and looked around. This was the same room she used to stay when she was nursing Gab. She bit her lip when the sudden waves of emotions caved in. If only she could turn back time. Paano nga ba siya napunta sa ganitong sitwasyon? Naputol ang iniisip niya ng mayroong kumatok sa pinto. Her stubborn heart raced. Mabilis niyang binuksan ang pinto.
"Hi sis! I just came by to check on you kung kamusta ka na." It was Ysa.
Gaga! Sino pa ba ang ineexpect mo?
"Okay naman na ako Ysa. Salamat. I think I can go-
"No sis. You stay for the night okay. Hindi pa nga tayo nakakapag-girly talk eh." Nakalabi na sabi ni Ysa. She was really nice at nahihiya na siya dito, lalo na sa nangyari.
"So, mag-rest ka na ha. See you tomorrow sis." Nag-flying kiss pa ito sa kaniya bago ito tumalikod.
Hahabulin niya sana ito upang tanungin kung nasaan si Gab, pero bigla siyang nahiya. Bakit naman niya hahanapin ang binata? Saka pagkatapos ng nagyari?
Stop embarrassing yourself Francine.
Isasara na niya ang pinto ng narining niyang nagsalita ang mommy nila Gab.
"Ysabella, have you seen Gab? Kanina ko pa siya hindi nakikita?" Narinig niyang tanong ng ginang.
"No mom. I haven't seen him since umalis sila Mayor Villavelez." Sagot ni Ysa.
She slowly closed the door. Sumandal siya doon.
Saan pa nga ba nagpunta si Gab kundi sinundan ang nobya nito upang suyuin ito. Malamang nasaktan ito dahil sa pagtatanggol sa kaniya ni Gab kanina. Malamang worried din ito dahil maaring maapektuhan ang business partnership ng mga ito dahil sa nangyari.
Maybe not only Gab. Maybe Tito Frank and Tita Estella were worried too. Kahit na sa palagay niya ay hindi maapektuhan ang yaman ng mga ito sa pag-pull out ng isang business partner, still, it was a business deal lost. And not only that, most importantly, maybe they were worried about their soon to be daughter in law. Sobra siyang nahihiya at naliliit sa kaniyang sarili dahil kahit na nakagulo na siya, ay mabait pa rin ang mga ito sa kaniya. Hiyang hiya na siya sa buong pamilya ni Gab.
Napaupo siya. Siya was crying because of pain, embarrassment and guilt. Guilt dahil sa sobrang kagustuhan niyang bumalik si Gab sa buhay niya ay hindi na niya nakita na nagugulo na niya ang buhay ng binata. She failed to see that she was being selfish.
Mahal na mahal niya si Gab. And she's not sure if she can bear the fact that she already lost him when she left him hanging. Oo mahal na mahal niya ang binata, at hindi kayang tanggapin ng puso at isipan niya na mayroon na itong sariling buhay at maaring hindi na siya kasama doon. She love Gab so much, pero baka hindi na niya nakikita na nasasaktan na naman niya ito dahil sa pagmamahal na iyon.
Mahal niya si Gab, pero diba dapat ang pagmamahal ay hindi nakakasakit, nakakasira, at nakakagulo ng relasyon at buhay ng ibang tao. Hindi iyon pagmamahal. Selfishness ang tawag dun. And she will not let herself na maging kagaya ng Papa niya, na makasarili.
She stood up and wiped her tears. She gathered her clothes. Inilagay niya iyon sa isang paper bag kasama ang sapatos niya.
She made up her mind. Pagdating niya sa vacation house ay kukuhanin na niya ang kaniyang mga gamit at uuwi na siya sa bahay nila ni Nana Loring niya. Nakakahiya na na malaman pa ng mga ibang tao na magkasama sila ni Gab sa iisang bubong gayong engaged na pala ito. Itutuloy na din niya ang pagbalik sa Switzerland.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
