Chapter 6

820 33 0
                                    

"Ano yang kinakain mo?" Tanong sa kaniya ni Gab. Ibinaba nito ang binabasang Manga.

"Burger." Lumapit siya dito at ipinakita ang kinakain niyang burger. Take out nila ito ni Bianca kagabi sa isang fast food restaurant. Hindi niya iyon nakain kaya binaon nalang niya kinabukasan. "Gusto mo?" Tanong pa niya sa binata.

"Ang baho!" Malakas na sabi nito. Nagtakip ito ng bibig dahil parang masusuka ito. Mabilis nitong pinindot ang intercom sa gilid ng kama nito.

"Manang Pasing! Akyat po kayo dito sa room ko please ngayon na po. Ang baho." Sabi nito sa intercom na para bang lalabas na ang suka nito.

Hindi malaman ni Francine ang gagawin. Maya maya ay dumating na si Manang Pasing.

"Manang ang baho po! Nasusuka po ako!" Mabilis naman kumuha ng maliit na palanggana ang matanda at itinapat iyon kay Gab. Tuluyan ng nasuka si Gab.

"Ineng paki-asikaso mo nga si Gab at bubuksan ko ang mga bintana." Tawag sa kaniya ni Manang Pasing. Doon lang siya nakakilos. Hinawakan niya ang palanggana at hinagod hagod ang likod ng binata. Nakasimangot na naman ito sa kaniya.

Binuksan ni Manang Pasing ang mga bintana ng kwarto ni Gab at hinawi lahat ang makakapal na kurtina para makalabas ang amoy ng burger. Bukod doon ay binuksan pa nito ang exhaust fan ng kwarto. Nag-spray din ito ng air sanitizer at air freshener. Kinuha nito ang burger niya at mabilis na inilagay iyon sa isang zip lock plastic bag. Napansin niyang kompleto ang gamit na dala ng matanda at mukang sanay na sanay ito sa ganoong sitwasyon.

"Ayos ka na ba anak?" Kumuha ito ng isang basong tubig at pinainom si Gab. May inilabas itong ointment sa bulsa at nilagyan nito ang sentido ni Gab at hinilot hilot iyon.

"Medyo po Manang." Parang batang sagot nito.

Maya maya ay suminghot singhot naman ang binata na parang tine-trace kung mayroon pang amoy burger.

"You smell like burger." Nakasimangot na sabi nito sa kaniya.

"Ha?" Inamoy niya ang suot na scrub suit. Amoy burger nga siya.

Napaka-selan naman ng lalakeng ito! Naku! Inis na sabi niya dito sa isip. Napansin kasi niya na kanina pa ito masungit sa kaniya.

"Ahm, ineng tara muna sa labas." Aya sa kaniya ng matanda. Sumama naman siya dito.

"Anak pag-pasensyahan mo na si Gab ah. Talagang ganun iyong batang iyon, maselan kasi yun lalo na sa amoy. Ayaw na ayaw nun sa ma-aamoy na pag-kain. Nababahuan." Paliwanag sa kaniya ng makalabas na sila ng kwarto ni Gab.

"Kapag magmimiryenda ka, punta ka lang dito sa kusina at ipaghahanda kita. Hindi mo na rin kailangan mag-baon ng pagkain." Sabi ng matanda.

"Sorry po, hindi ko po kasi alam na sensitive po ang pang-amoy niya." Sabi niya. Ewan niya bakit naiiyak siya. "Okay na po kaya siya?" Dagdag niya.

"Huwag mo nang intindihin iyon at okay na yun ngayon. Naka-amoy lang ng para sa kaniya ay mabaho kaya siya nagsuka. Bata pa lang yan si Gab ay ganyan na siya." Sabi sa kaniya ng matanda.

"Ang mabuti pa, umupo ka doon sa veranda at dadalhan kita ng mirienda mo ha." Sabi nito sa kniya.

*****

"Sis what do you think?" Tanong sa kaniya ni Ysa. May ipinapakita itong fashion pictorial portfolio sa kaniya. Isa pala itong fashion photographer at may ari na ng isang publishing company. Sumabay ito sa mireinda niya, kasama nito si Ash. Napaka-bubly ang personality nito, kabaligtaran ni Gab. Kung titignan ay parang female version ito ni Gab, nakalaklak nga lang ng energy drink.

"Wow! They all looked great. Ang gaganda. Ang galing mo naman." Puri niya dito. Magaganda ang mga shots, lumelevel ito sa mga international fashion photographer.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon