Hindi maintindihan ni Gab ang sarili kung bakit kahit muntik na naman siyang maisugod sa ospital ay nagdidiwang sa tuwa ang kaniyang damdamin. Yes, he felt scared when his allergies were on rage as well as when he felt that he was having difficulty breathing. Pero nang makita niya ang pag-aalala sa mukha at kilos ni Francine na halos magkanda-iyak pa ito nang makita ang mga pantal niya ay parang nawala ang isip niya sa kaniyang allegies, wala siyang ibang naramdaman kunti ang kagustuhan yakapin ang umiiyak na dalaga. He was so touched by how Francine cares for him. Something that his heart is longing for a long time. Unti unti din niyang nalilimutan ang sakit na nararamdam ng kaniyang puso dahil napapasaya siya ng dalaga tuwing nakikita niya ito o kahit naiisip niya lang ito.
He really wants to assure her that he is okay para hindi na ito mag-alala but he is too drowsy dahil sa gamot na ibinigay ng kuya Luke niya.
Nagising si Gab dahil sa raramdamang haplos sa kaniyang pisngi. He didn't open his eyes because Francine is saying something while gently caressing his face. He didn't want her to stop. Ang sarap sa pakiramdam ng malambot nitong palad. Amoy na amoy din niya ang mabangong dalaga dahil ang lapit lapit nito sa kaniya. Maya-maya ay naramdaman niyang ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. He felt his heart beating like crazy. Napadilat siya ay napatitig sa dalagang humahalik sa pisngi niya.
Nagulat ito nang makitang gising siya at nakatingin dito. Para itong itong estatwa na hindi nakagalaw habang nakadikit pa din ang mga labi nito sa pisngi niya.
Napalunok si Gab. Parang naging hudyat naman iyon ng mabilis na humiwalay ang dalaga sa pag-kakahalik sa kanya. Siya din ay parang natulala. Nakita niyang parang hindi alam ng dalaga ang gagawin, she is blushing. Maya-maya'y mabilis itong tumayo at tumakbo sa restroom ng kwarto niya at isinara ang pinto.
Nang maiwan mag-isa ay napapangiting napahawak siya sa pisngi niyang hinalikan ng dalaga. Lalo ng mag-replay sa utak niya ang mga narinig niyang sinabi nito. Ang saya saya ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay bigla itong naghilom ang mga sugot nito.
FRANCINE'S POV
"Shit Francine anong ginawa mo?" Mahinang pagalit niya sa sarili habang nasa loob ng restroom. Napahawak siya sa dibdib, hangang ngayon ay ang lakas pa din ng kabog nito.
Nababaliw ka na ba? Bakit mo hinalikan? Sinabunutan niya ang sarili. Hindi niya ngayon alam ang gagawin dahil nahuli siya ng binatang hinalikan niya. Parang gusto niya ngayon ay lamunin nalang siya ng lupa.
"Shit, anong gagawin ko?" Tarantang tanong niya sa sarili.
Eh di magdusa ka diyan sa loob at huwag ka nang lalabas kahit kailan dahil huling huli ka ni Gab na ninanakawan mo siya ng halik! Sagot ng isip niya.
Jusko Francine, akala ko ba ayaw mo sa mga lalaki? Eh bakit nanghahalik ka ngayon? Dagdag na sermon pa ng isip niya.
Napa-upo siya isang stool na naroroon sa loob ng restroom ni Gab. Kailangan niyang maka-isip ng idadahilan. Paano kapag tinanong siya nito? Ano ang sasabihin niya? Paano niya ito haharapin? Kung magbaliw-baliwan kaya siya? Oh kaya kunwari nahimatay siya? Kunwari wala siyang naaalala?
Natigil ang pag-iisip niya nang marining niyang hinahanap siya ni Francine. Mabilis niyang ini-lock ang pinto at itinutok niya nga tainga sa pinto ng restroom.
"Sis? Where are you? Gab where is Francine?" Narinig niyang sabi nito.
"Ah, s-shes in the restroom." Narinig niyang sagot ni Gab.
"Sis? Anong ginagawa mo? Sabi nito habang kumakatok sa pinto.
"Uhm, ah eh sumasakit yung tiyan ko." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...