"Kuya Gab! I missed you. Buti umuwi kana dito satin." Umiiyak na sa sabi ng kaniyang bunsong kapatid na si Ash. She is an eight year old girl, favorite siyang kuya nito dahil magka-ugali sila. Sumampa ito sa kaniyang kama at niyakap siya. Kaka-uwi lang niya galing sa hospital. Inihatid sila ng kuya Luke niya sa mansyon. Tuwang tuwa naman ang lahat ng mga kasama nila sa bahay nang sinalubong siya ng mga ito palabas ng ambulance.
"Hep hep! Baby, baka masaktan si kuya Gab ah. Hindi pa siya magaling. Look oh may sugat pa siya." Awat ng kuya Luke niya sa bunsong nilang kapatid. Medyo lumayo naman ito ng kaunti sa kaniya. Umiiyak pa din ito, halatang namiss siya.
"Kuya masakit ba ito?" Turo ni ash sa nakabendang sugat niya sa kaniyang balikat. Sinundot sundot ito ng daliri nito.
"Aww! Ash masakit." Drama naman niya at lumabi.
"Ash come here. Kiss mo si kuya Paul." Si Paul ang pangalawa sa kanilang mag-kakapatid. Sinimangutan ito ni Ash at dumila pa.
"Bakit hindi mo ba ako namiss?" Nalungkot kunwari si Paul.
"Bakit naman kita mamimiss eh araw araw ka naman nandito sa bahay." Sagot ni Ash at yumakap uli ito sa kaniya. "Missed ka na din ni Pat kuya, ayaw nga niya kanina pumasok sa school eh." Bulong pa nito sa kaniya. Si Patrick ang sinundan nitong kapatid nila, tatlong taon ang tanda nito kay Ash. Wala kasi ang iba nilang mga kapatid, nasa school pa ang mga ito. Hindi daw napilit ng mga ito na pumasok si Ash dahil nalaman nitong uuwi na siya.
"Kuya where's mom and dad?" Tanong niya sa kuya Luke niya habang busy itong inaayos ang mga gamot at gamit niya galing sa hospital.
"Padating na yung mga yun, kasama si Ysa, sinundo nila yung private nurse mo." Sagot ng kuya niya habang nakakaloko ang ngiti nito.
"Kilala ko yang ganyang ngiti mo Luke ah! Nakangiting singit ng kuya Paul niya. Nag-fist bump ang mga ito saka nagtawanan at nagbulungan.
"Bakit kuya Luke ano po un?" Tanong ni Ash.
"Sshh! Baby, secret lang yun. For the boys lang diba Gab!" Nakangiting sabi ng kuya Paul niya. Gustong takpan ni Gab ang tenga ni Ash pero hirap pa siyang mai-angat ang mga braso niya. Naiiling nalang siya.
"We're here!" Sabay sabay silang napalingon sa labas ng pinto ng kwarto niya nang pumasok mula roon si Ysa. Kasunod nito ang kanilang mommy at daddy. Bahagya siyang napatulala nang may sumunod na pumasok na isang magandang babae. Naka scrub suit ito. Medyo chubby ito pero seksing tignan. Nakadagdag ang built nito sa sensual nitong aura. She's cute, beautiful and hot at the same time. Nakatingin ito sa kaniya.
Shit dude! Bakit parang hinahalukay ang tiyan ko?
There were butterflies in his stomach. Para siyang kinakabahan na natataranta na parang nahihilo na ewan. Nakabawi lang siya sa pagkatulala dahil pasimpleng sinipa ng kuya Luke niya ang bed nya.
FRANCINE'S POV
Kinakabahan siyang pumasok sa loob ng kwarto ng magiging pasyente niya. Pagpasok niya, una niyang napansin ang gwapong lalaking naka-recline sa bed nito. No hindi pala gwapo, kundi sobrang gwapo. Hindi naman sinabi ni ate Nida ganito pala kagwapo ang itsura nito. No, sinabi pala nito pero akala niya exaggerated lang ito. And she's not interested in good looking guys remember? But in fairness to this guy, daig pa nito ang mga male lead characters na napapanood niya sa mga K-drama. Para itong computer generated character na nabuhay. Kumakabog ang dibdib niya. Pinigil niyang kiligin dahil kailangan niyang maging professional. Naka-tingin ito sa kaniya ngunit agad din nagbawi ng tingin at sumimangot ang gwapo nitong mukha. Suplado!
"Oh you're here! She's Ms. Fra-
Naputol ang pagpapakilala ni Dr. Luke Sebastian sa kaniya dahil biglang nagsusuka ang gwapong lalaki sa kama. Agad itong ini-assist ni Dr. Luke habang natataranta naman ang mga kasama nito. Hinahaplos ng batang katabi nito ang likod nito.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomansaGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
