Nasaan na kaya un? Tanong ni Gab sa isip. Kanina pa kasi hindi bumabalik si Francine pagkatapos ng burger incident nila kanina. Naka-ramdam siya ng guilt dahil baka sumosobra na ang pag-iinarte niya.
Bakit ba? Kontra ng isip niya. Ang bait bait nga niya dito kaninang umaga, todo ngiti pa siya nang batiin niya ito ng good morning. Naguilty kasi siya kagabi, naisip niya baka na-offend ito sa kaniya ng palitan nito ang catheter niya. Gusto niyang bumawi.
Tapos makikita ko nagpapahatid pala siya kay Zach! Ang tamis pa ng ngitian nila! Bigla na naman siya nainis. Nag-effort pa kasi siya. He even convinced his kuya Luke na kailangan din niya ng nurse tuwing gabi para mag-stay-in na ang dalaga sa kanila at para hindi na ito susunduin at ihahatid ni Zach, tapos ganoon ang makikita niya? Aba nakakalimutan na ba nito na siya ang pasyente nito at dapat ay lagi itong nasa tabi niya? Umiinit na naman ang ulo niya. Naputol ang iniisip niya ng may tumamang throw pillow sa mukha niya.
"Huy! Natulala ka na dyan pareng Gab!" Nang-iinis na sigaw ni Yanku. Nakahiga ito sa nahabang couch. Dumating na ito kagabi galing sa Japan. Si Kline naman ay busy na naman sa cellphone nito.
Naiinis na buong pwersa niyang ibinato pabalik sa mukha nito ang throw pillow. Medyo sumakit tuloy ang braso niya.
"Aray! Masakit yun ah! Napabangon si Yanku, hinihimas nito ang pisngi.
"Tsk! Itigil nyo nga yan!" Saway ni Kline sa kanilang dalawa na akala mo ba ay naabala siya sa ginagawa.
Maya maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Si Francine iyon. May dala itong tray ng pagkain. Nakita niyang nanlaki ang mata ni Yanku at sinundan ng tingin ang dalaga. Kilala niya ang mga kaibigan pag-dating sa babae. Hindi maganda ang kutod niya lalo na kay Yanku. Kilala niya ang likaw ng bituka nito.
Naninigkit ang matang hinuli niya ang mata ni Yanku. Siniko naman ito ni Kline. Wariy wala naman itong pakialam. Mabilis itong tumayo at lumapit sa dalaga.
"Hi miss! I'm Yanku Yamada." Ngiting ngiting pagpapakilala ng kaibigan niya kay Francine. Halatang halatang nagpapa-cute ito. Ipinunas pa nito sa pantalon ang kamay bago nito inilahad iyon para sa dalaga.
"I'm Francine." Matipid na sagot ng dalaga, halatang naiilang ito kung iaabot ba nito ang kamay.
"Ehmmhm! Im straving." Singit niya sa mga ito. Ngunit makulit si Yanku, hindi ito natitinag. Kaya napilitan si Francine na makipag-kamay dito. Nakaka-pikon ang itsura ng kaibigan niya, parang ang sarap bangasin.
Mabilis namang hinila ng dalaga ang mga kamay at lumapit na ito sa kaniya. Inilapag ni Francine ang tray sa harapan niya.
"Kumain na din kayo, nagluto si manang sa ibaba." Pagtataboy niya sa dalawa.
"Hindi pa kami nagugutom. Diba Kline." Siniko pa nito ang katabing binata. Nakatitig pa din ito kay Francine. Ang sarap bulagin ng mokong.
"Ah, oo busog pa ko." Sabi naman ni Kline at nag-slouch ito nang pag-upo sa couch.
Hinintay niyang subuan siya ng pagkain ni Francine ngunit hindi nito iyon ginawa. Naka-upo lang ito sa isang upuan sa gilid ng kama niya. Nakita niyang pinagtatawanan siya ng mga kaibigan dahil nahalata ng mga ito na nag-expect soyang susubuan siya ng dalaga.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawa. Ayaw niyang napapahiya siya. Nakaisip siya ng kapilyuhan.
"Ahm, i cant move my arms, masakit. Sabi niya dito." Pagdadahilan niya sa dalaga para subuan siya nito.
"B-bakit anong nangyari? Pag-aalala ng dalaga sa kaniya.
"Na-pwersa yata kanina, aray!" Arte pa niya.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
Любовные романыGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...