Nagising si Gab sa isang kwarto. Kulay puti at berde ang kisame niyon. Pinipilit niyang ibukas ang kaniyang mga mata ng maigi ngunit hindi niya kaya. Hindi din niya maigalaw ang kaniyang leeg upang lingunin ang kaniyang paligid. Pinilit niyang igalaw ang kaniyang mga daliri.
Where am I? Anong nangyari sakin? Tanong ng kaniyang isip.
"Gab anak!" Narinig niya ang boses ng kaniyang mommy Estella. Umiiyak ito at hindi malaman kung papaano siya hahawakan. Niyakap ito ng Dad niya.
"Nurse! Nurse! Emergency! We need assistance please!" Dinig niya ang pagkataranta sa boses ni Ysa habang tumatawag ito sa intercom. "Gabby! Omigosh nagising kana!" Tuwang sabi pa nito.
"Son! Thank God you're conscious now! Isang buwan ka naming hinintay anak! Naiiyak pang sabi ng kaniyang Daddy Frank. Madrama talaga ito ang mga ito.
"Wait, I'll call kuya Luke!" Sabi ni Ysa habang tinatawagan ang panganay na kapatid.
Maya maya ay mayroong dumating na dalawang nurse. Lumayo muna ang mga magulang niya pati ang kapatid sa bed niya upang masikaso ng mga nurse.
"Ate Nida! Thank God nagising na ang alaga mo." Sabi ng kaniyang mommy sa isang nurse. Inutusan naman ni Nida ang kasama nitong nurse na icheck ang vital signs nito.
"Matapang na bata si Gab madam alam kong magigising din siya." Niyakap nito ang kaniyang mommy. Dati nilang family nurse si ate Nida. Kinuha ito ng kaniyang mommy dahil sakitin siya. Ito na tuloy ang naging nurse ng buong pamilya nila. Napilitan lang silang pakawalan ito dahil gusto na daw nitong maranasan na makapag-trabaho sa hospital. Ayaw naman nilang pigilin ang pangarap nito. Kaya naman, nang magbukas ang kanilang hospital, kinuha agad ito ng kaniyang kuya Luke para magtrabaho dito.
"M-Mom, I c-cant move my arms m-mom. E-even my l-legs mom! I c-cant f-feel them!" Sunod sunod na sabi niya. Hirap siyang magsalita at nabubulol. "Ahhhhh!" Sigaw niya. He is in panic! Sumasakit na din ang kaniyang ulo, parang mabibitak iyon.
Nag-alala silang lahat lalo na ang kaniyang mommy na umiiyak pa din. Saktong pagdating ng kanyang kuya Luke, kasama nito ang pinsan nilang si Harvey.
"Kuya! Si Gabby! He can't move his his arms and legs." Worried na sabi ni Ysa sa kuya nila.
"Don't worry!" Sabi nito. "Mom don't worry." Sabi din nito sa mommy nila.
"Ate Nida please assist them." Sabi ni Harvey. Pinapunta muna sila ni ate Nida sa mini living room ng private room while the two doctors were attending Gab. Maya maya ay kumalma na si Gab at nakatulog na ito.
"Luke anong nangyayari sa kapatid mo? Harvey hijo?" Sobrang nag-aalalang tanong ng kanilang mommy. Niyakap ni Luke ang ina.
"Mom. Don't worry too much okay. Gab is fine, he will be fine." Sabi nito sa ina habang yakap ito.
"Tita, its a common reaction from patients coming from a coma." Sabi ni Harvey. Isang neurologist ito. Matanda lamang ito ng dalawang taon kay Gab. "Maswerte tayo at hindi siya nagtagal masyado sa coma state, malakas ang fighting spirit ni Gab tita." Dagdag pa nito.
"Pero bakit ganun kuya Harvey, he can't move his arms and legs. He can't even speak clearly. Makakalakad pa ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Ysa sa pinsan.
"Ganoon talaga. Actually he wont be able to move his neck too. Masyado kasing malakas ang impact ng pagkakabangga ng sasakyan niya and it caused brain trauma. It affected his peripheral nervous system." Pagpapaliwanag nito sa kanila.
"But don't worry mom. There are medications and therapies naman na makakatulong kay Gab. It will take time, pero he will be fine." Luke is giving his mom assurance para hindi na ito mag-alala. Alam kasi nilang magkakapatid na si Gab ang baby nito. Hindi naman sila nagseselos dito dahil alam nilang lahat na sakitin si Gab simula palang noong maliliit sila kaya ganito nito protektahan ang kapatid nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomantikGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...