Chapter 36

581 19 16
                                    

"Gab? Baby what are you doing down there?" Narinig niyang tanong ng mommy niya.

Fuck! Napapikit siya ng madiin. Huling huli sila nito. Wala na siyang magagawa. Dahan dahan siyang lumabas sa ilalim ng kama.

"Ouch!" Himas himas niya ang ulo ng makalabas siya sa ilalim dahil nauntog siya.

"Jesumaryosep Gabriel!!" Nanlalaki ang mga mata ng mommy niya ng makita ang itsura niya.

Nahihiyang tumayo siya habang hawak pa din ang nautog niyang ulo. Good thing, if he could call it like that, he quickly pulled on his boxers shorts before diving under the bed.

"M-Mom! What are you doing here?" Kunwariy tanong niya sa mommy niya.

Nagkatinginan sila ni Francine. Naitakip nito ang mga kamay sa mukha na wari'y hiyang hiya ito. Her face was red.

"Mom, why are you-

"Mom what ha-

Halos sabay na humahangos na dumating ang kuya Paul niya at si Ysa. Napapagitnaan kasi ng mga ito ang kwarto niya. Malamang narinig ng mga ito ang mommy nila.

Napakamot siya ng ulo ng makita ang initial reaction ng mga ito. Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o matatawa. Their eyes were wide open as well as their mouths. Lalo na ng makita ng mga ito ang nagkalat nilang damit ni Farncine sa sahig.

Then his kuya Paul's eyes narrowed, shaking his head and was giving him an "i knew it all along" kind of smile.

"Gabby?" Ysa muttered. And turned to Francine. "Sis are you okay?" She said. Worried na nilapitan nito ang dalaga at hinawakan sa kamay as if consoling her.

"Gabriel! What's the meaning of this?" Tanong ng mommy niya na parang mahihimatay sa nakita.

Wow! So I'm the villain here?

"M-Mom." Tanging nasabi niya.

Iniupo nina Ysa at Paul ang mommy nila sa couch. Si Francine naman ay kumuha ng tubig sa fridge na nasa room niya.

"Mom.. A-Are you okay?" Tanong niya.

"Put a shirt on Gabriel!." Utos ng mommy niya sa kaniya. Dali dali niyang pinulot ang pajama pants niyang nasa sahig at isinuot ito. Kumuha din siya ng panibagong t-shirt sa closet. Baligtad pa ito ng naisuot niya dahil natataranta siya sa mommy niya. Kahit kasi favorite siya nito ay alam niya kung gaano ito ka-conservative.

Narinig niya pinipigil na tawa ni Ysa. He gave her a deadly glare, but she just shook her head slowly and shot him with a "you're dead" smirk.

"You two, sit down. I'd like to have a word with you." Seryosong sabi ng mommy niya.

"But Mom, its-

"I said sit down Gabriel."

Wala siyang nagawa kundi umupo sa gilid ng kama paharap sa ina. Mahirap na. Alam niyang kapag tinawag siyang "Gabriel" ng ina ay seryoso ito.

"Francine Hija, maupo ka."

Mabilis naman sumunod ang dalaga. Halatang natatakot ito.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon