"Dad where are we going?" Tanong ni Gab sa Dad niya.
"Sa bahay ng tito Manuel mo."
"Sino po yun Dad?"
"Pwede ba huwag ka nang maraming tanong. Basta doon ka na muna. Marami akong trabaho."
"No Dad, I wanna go home. Gusto ko kay Mommy." Pagpipilit niya.
"Kapag sinabi kong hindi, hindi. Walang uuwi." Sigaw nga Daddy niya habang ngdadrive.
"No! I wanna go home!" Iyak siya ng iyak.
Maya maya ay nakarating na sila sa bahay ng sinasabi nitong tito Manuel niya. Ngayon lang siya nakapunta sa lugar na ito. Malayo ito sa bahay nila at parang liblib na. May kalumaan ang malaking bahay na pinasukan nila. Malawak din ang bakuran nito, ngunit halos walang tao.
"Kuya Manuel! Andito na kami." Sigaw ng daddy niya ng mapasok sila sa malawak sa sala ng bahay.
Lumabas mula sa pinto na nasa ikalawang palapag ang isang lalaking kahawig ng Daddy niya. May itsura din ito ngunit payat at maputla ang balat. Malalaki din ang mga eyesbags nito na akala mo ba ay wala itong tulog. Mahaba ang buhok nito na nakapusod.
"Yan ba si Gabriel?" Lumapit ito sa kanila. Napatago siya sa likuran ng Daddy niya.
"Oo kuya, iiwanan ko muna siya dito at marami akong aasikasuhing problema sa kompanya."
"Sige, iwan mo na. Ako na bahala."
"Sige, pasensya kana. Wala akong ibang mapag-iwanan. Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon."
"Gab, dito ka lang ha. Babalikan kita." Baling sa kaniya ng ama.
"No Dad, ayoko po maiwan dito. Sa bahay nalang po ako. Ayoko po dito." Pagmamakaawa niya sa Daddy niya.
"Huwag matigas ang ulo mo Gabriel. Maiwan ka na dito."
"Please Dad don't leave me here!"
"Ayoko ng iyakin dito ah. Tumahan ka diyan!" Sigaw ng tito Manuel niya. Natakot siya sa malakas at buong buo na boses nito.
"Sige kuya, alis na muna ako." Sabi ng daddy niya dito sabay abot ng pera. "Here, baka may kailanganin ang bata. Kapag kulang yan, tawagan mo lang ako." Bilin ng Daddy niya sa kuya nito.
"Sige at baka kulangin ito. Tatawagan nalang kita."
"Kumuha ka na din ng katulong mo dito sa bahay para may mag-aasikaso sa bata."
"Sige ako nang bahala."
"Daddy ayoko po dito. Huwag nyo po ako g iwan dito."
Hindi na sumagot pa ang Daddy niya at nagmamadali itong umalis. Nang maka-alis ang Daddy niya ay labis ang takot na naramdaman niya. Hindi niya kilala ang taong ito at natatakot siya sa itsura nito. Patuloy ang pag-iyak niya.
"Hoy, kapag hindi mo tinigilan yang pag-iyak mo ikukulong kita sa bodega at ipapakain kita sa mga daga. Sa lahat ng ayoko dito ay yung maingay." Pananakot nito sa kaniya. Pinigil niya ang pag-iyak.
"Ayoko sa 'yo. I dont know you." Sagot niya dito.
"Huwag mo akong pikunin ah." Hinawakan siya nito sa braso at hinila papasok sa isang kwarto sa itaas.
"Dito ka lang! Huwag kang lalabas." Sabi nito at mabilis na isinara ang pinto ng kwarto.
Sinubukan niyang buksan iyon ngunit naka-padlock iyon sa labas. Iyak siya ng iayak dahil sa matinding takot. Nilinga niya ang malaki at madilim na kwarto. Lahat ng gamit sa loob ay puro antigo. Nagsimula siyang maghabol ng paghinga dahil sa maalikabok ito. Nauuhaw na din siya ngunit walang nakakarinig sa kaniya. Kinatok niya ng kinatok ang pinto ng kwarto at sinikap ng gumawa ng ingay upang may makarinig sa kaniya. Nahihirapan na talaga siyang huminga. Kinabog niya ng malakas ang pinto at nagulat siya ng biglang bumukas iyon.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
Любовные романыGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...