Chapter 47

631 17 16
                                        

-Flashback-

She was glad that she finally met her father again. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanilang mag-ama. Francine was ready to start anew and rebuild her relationship with her father. He promised that he wont leave her anymore. At sino naman siya para tumanggi sa pangako ng isang ama na handang bumawi sa mga pagkukulang nito.

Ngunit hindi niya makuhang maging lubusang masaya. Mayroong parte sa puso niya na may kulang. Nangungulila. Masakit, parang unti-unting pinupunit sa paglipas ng mga oras. She was dying to see Gab. She missed him. She missed his smile, his voice, his smell, everything about him. Ni isang segundo hindi nawala sa puso at isip niya ang binata.

"Gurl bakit? May masakit ba sayo? Tatawag ako ng assistance." Bianca was really worried when she saw her tearing up.

Ito nalang muna ang naiwan sa tabi niya uoang magbantay. Si Nana Loring ay sinamahan ang Papa niya upang ayusin ang mga gamit nito sa bahay nila. Yanku wasn't there, tinawagan ito ni Kline at mayroon daw silang aasikasuhin.

She needed answers now.

"Biancs. Papaano ako na-rescue? Ano nangyari? Nahuli ba si Marc?" Sunod sunod na tanong niya.

"Besh, pasensya ka na ah. Ayaw lang kasi muna namin na mastress ka kaya hanggat maari hindi muna kami nagsasabi ng detalye sayo para hindi ka mag-isip." Bianca held her hand.

"Biancs. I need to know. Mas lalo lang akong nagiisip hanggat hindi ko alam kung ano talaga ang nagyari. Please Biancs." Pagmamaka-awa niya sa kaibigan.

Bianca took a deep breath.

"Gurl, promise ah. Huwag ka na muna mag-iisip. Saka huwag mong sasabihin sa kanila yung mga sasabihin ko sayo."

Nalaglag ang luha niya habang tumatango.

"Haaay. Hindi ko naman na din kasi matiis na nagkakaganyan ka." Sabi nito na naluluha pa.

"Salamat Biancs."

"Well, it was Gab who saved you." Umpisa ni Bianca.

She knew it. Her heart was telling her it was Gab. She even heard his voice calling her name. It warmed her heart.

Her Gab save her. Her hero. She wiped her tears.

"Ang ganda mo gurl. Iniligtas ka ng gwapong gwapo mong price charming." Bianca was half crying half smiling.

"Papaano niyang nalaman? Ano nangyari?"

"I dont know the exact details pero nalaman ni Pogi kung nasaan kayo ni Marc. That guy really has his ways of knowing things. Im super impressed gurl. Kasama sina Kline at Yanku, pinasok nila yung lugar kung saan ka dinala ni Marc. Then eventually may mga dumating na pulis. Kasama si Ysa at yung Daddy nila. At nahuli sa Marc."

"Si Tito Frank?"

"Oo gurl. Nagtulong yung mag-ama para mabuksan yung kinaroroonan mo. Prinsesa ang peg mo gurl. Actually pinigilan na siya ng rescue team kasi masyado nang malaki ang apoy, pero nagpumilit siyang pumasok sa loob para kuhanin at iligtas ka."

She was crying again. Her heart was filled with different emotions. Ngunit biglang nangibabaw ang takot at pag-aalala niya para sa binata.

Kaya ba ito wala ngayon? Dahil sa nangyari? May nangyari bang masama kay Gab? Diba may Asthma ito? Nasaan na siya? Mga tanong sa isip niya na natatakot siyang magkaroon ng kasagutan. Her heart was pounding really hard.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon