Ganyan na lang ba lagi ang gagawin mo ha? Ang iwan ako? Gab's words echoed in Francine's mind.
Para siyang biglang nagising at natauhan.
"K-Kuya, balik po tayo!" Sabi niya agad sa driver.
"H-Ha? Eh miss malapit na tayo sa airport ah, hindi ka ba mahuhuli sa flight mo?" Tanong ng driver.
"Hindi na po ako aalis. Ibwelta mo kuya, may pupuntahan tayo." Utos ni Francine sa driver.
Napakamot ng ulo ang driver at nag-U turn.
"Mga kabataan talaga ngayon oh." Bulong bulong na sabi nito.
Maka-lipas ang tatlumpong minuto ay nasa harapan na sila ng mansyon ng mga Sebastian.
"Kuya, papasok lang po ako sa loob. Pakihintay po ako. Huwag po kayong mag-alala magbabayad po ako." Sabi niya sa driver.
"O sige, ikaw ang bahala. Itatabi ko lang itong sasakyan para hindi tayo nakaharang sa daan." Sagot nito
Iniwan niya ang mga gamit niya sa loob ng taxi dahil muka naman itong mapagka-katiwalaan. Bumaba na siya ng taxi at mabilis na lumapit sa gate ng mansyon.
She was very nervous. Actually, she didn't have any idea what she's doing. She's just following her instinct. She's just following her heart. And she knew it will lead her back to Gab.
She rang the bell twice and the side door opened. Sumilip mula doon ang guard na naka-duty.
"Ma'am Francine, kayo po pala. Tuloy po kayo." Nakilala siya agad ng guard.
"Thank you po." Pasalamat niya dito.
Hindi niya akalain na muli siyang makakapasok sa mansyon nila Gab. Parang may kumurot sa puso niya dahil parang nanumbalik ang mga ala-ala nila ni Gab noong inaalagaan pa lang niya ito. Every corner of the house played a scenery of her and Gab. Nang makapasok siya sa sala ng mansyon ay sinalubong siya ni Manang Pasing.
"Francine?" Bati sa kaniya ng matanda.
"Kamusta po kayo Manang Pasing?" Nakangiting bati din niya dito. Niyakap niya ang matanda, sobrang namiss din niya ito.
"Naku mabuti naman at napasyal ka hija. Lalo kang gumaganda anak."
"Salamat po. Uhm, manang nandiyan po ba sila Tita Estella at Tito Frank?" Tanong niya dito.
Mukang umaayon ang pagkakataon dahil sabi nito ay naroon daw ang mga magulang ni Gab.
"Pwede ko po ba kaya sila maka-usap?" Tanong niya sa matanda.
"Abay oo naman iha. Halika ihatid kita sa study room at naroon sila." Yaya sa kaniya ng matanda.
Pagdating nila sa tapat ng study room ay kumatok ang matanda at binuksan ang pinto.
"Madam, andito si Francine, pwede daw ba kayo maka-usap?" Silip nito sa study room.
"Naku, abay oo naman, sige papasukin mo Manang Pasing." Narining niyang sagot ng Mommy ni Gab.
Nang makapasok at nang makita siya ng ginang ay mabilis itong tumayo upang lapitan siya. Ganoon din ang asawa nito.
"Tita Estella." Pagbanggit palang niya ng pangalan ng ginang ay hindi na niya napigilan ang maluha.
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
Roman d'amourGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...
