"Ate Francine gusto mo?" Alok sa kaniya ni Ash. Naka-upo ito sa tabi ng kuya Gab nito sa kama. Habang nagbabasa ng Manga ay kumakain ang mga ito ng stick-O na sobrang kunat. Ito yung stick-O na nakita niya sa ref ni Gab, kaya pala wala iyon takip nung nakita niya ay sadyang pinapakunat ng mga ito iyon. Enjoy na enjoy ang dawala sa kinakain.
"No, thanks." Sagot niya sa bata sabay iling.
"You should try it, it's really good. Diba kuya Gab?" Baling nito sa nanahimik na binata. Hindi siya nito kinikibo simula pa noong masigawan siya nito.
Aba, at siya pa ang may ganang magtampo? Oo nga, narealize niya na may mali siya sa nangyari at hindi niya ito dapat iniwan kahit pa ito mismo ang may sabi, kaya nga nag-sorry siya agad. Pero hindi naman nito kailangan manigaw. Nagka-emergency din naman ang kapatid nito kaya ini-assist niya.
Maya maya ay tumayo siya at kinuha sa isang plastic box ang isang small electronic massager. Umupo siya sa isang upuan sa gilid ng kama ni Gab at inilahad niya ang kamay.
"Bakit?" Malamig na tanong nito sa kaniya.
"Ima-massage ko po yung braso at kamay niyo Sir Gab." Malamig din niyang sagot dito. Diniinan pa niya ang pagkakasabi ng "Sir".
Iniabot naman nito ang braso nito sa kaniya at saka inililis ang manggas ng suot nitong t-shirt.
Siyeeeet! Ang ganda ng biceps. Mabilis niyang sinaway ang sarili sa iniisip. Nilagyan niya ng oil ang mga braso at kamay nito.
Oh my! Ang firm! Sabi ng isip niya nang mahawakan niya ang braso nito. Malandi ka Francine! Magtigil ka!
Kinilig ng todo ang kaniyang kaluluwa nang hawakan niya ang kamay nito. Mainit at malambot ang mga kamay nito, para siyang nakikiliti na nakukuryente sa pagkakahawak sa mga iyon. Nakita niyang nakatingin si Gab sa kaniya habang hawak niya ang mga kamay nito kaya binilisan niya ang ginagawa. Matapos mag-apply ng oil ay sinimulan na niya itong imassage.
Galit ka kay Gab Francine! She reminded herself.
"Ate Francine what is that for?" Tanong ni Ash habang pinapanood ang ginagawa niya.
"Ah eto? Para hindi na sumakit ang kamay ni Sir Gab. Para mabilis siyang gumaling at para makabalik nako sa hospital." Sagot niya kay Ash habang nang-gigigil na idiniin ang massager sa braso ni Gab.
"Aray! Bakit ang sakit naman pala nyan." Sabi ni Gab sa kaniya.
Pag-katapos niya sa mga braso at mga kamay nito ay isinunod niya ang mga binti at paa nito. Tinulungan niya ang binata para makadapa ito sa kama. Inalis niya ang kumot nito. Napatigil siya, she cannot help herself but appreciate his masculine thighs. Ang tambok ng buttocks sa suot nitong boxers shorts. Ang ganda din ng form ng mga hita at binti nito. Maputi ang binata kaya she can see every single hair sa binti at hita nito. Para siyang nakikiliti sa nakikita.
"Ate Francine bakit po?" Inosenteng tanong sa kaniya ni Ash. Napansin pala nitong nakatulala siya sa likuran ng kuya nito.
"Nothing." Sagot niya dito.
Ano kaba Francine! Nurse ka ha, nurse ka! Saway niya sa sarili. Bakit ba nagkakaroon siya ng malisya sa binata.
She started applying massage oil on Gab's thighs and legs using her hands.
"Ahhhhh!" She heard Gab's moan. Biglang nag-init ang pakiramdam niya kahit malamig ang airconditioning ng kwarto ni Gab. Ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Kuya Gab why? Are you in pain?" Tanong ni Ash sa kuya nito. Nakita niya na umiling lang si Gab.
She went on with the massage.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...