"Wait here! Sabay tayong uuwi." Madiin at mayroong finality na sabi niya kay Francine. Kung hindi lang siya kailangan makiharap sa mga business partners nila at malamang kanina pa niya iniuwi ito.
Hindi umimik ang dalaga. Inirapan lang siya.
He gave Yanku a lingering "I am watching you" stare. Oo kaibigan niya ito pero kabisado niyang ang likaw ng bituka nito pagdating sa babae.
He was heading to the area kung nasaan ang mga business partners nila, sinundan siya ni Yanku.
"Hey bro, what's this all about? Are you jealous?" Natatawang sabi ni Yanku.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito.
"Don't you dare laugh at me because I'm fucking serious." He said. Jaw and fists clenched.
"Woah, cool bro. I'm just keeping her company nakita ko kasi wala siyang kasama."
"Leave her alone. I'm warning you."
"Okay, okay. If you're that jealous bro, keep an eye on her. Bantayan mo. Hindi yung ibang babae ang inaatupag mo." Sabi ni Yanku at saka ito umalis patungo sa kinaroroonan nina Kline.
Naiwan siyang nakatayo. Kung hindi ito umalis agad baka nasapak niya ang kaibigan. Pero bakit ba siya affected sa sinabi nito? Dahil malamang tama ito, kaya nasapol siya.
"Gab, hurry. Kanina pa naghihintay sina Mayor Villavelez." His mom called his attention. Noon lang siya natinag sa pgkakatayo.
He joined the old men circling around talking about business. Akala ba niya ay birthday party ito? Bakit parang business meeting naman yata ang napuntahan niya.
He was bored as hell sa mga naririnig niya about business. Wala doon ang utak niya ngayon, kundi nasa kabilang table, nasa magandang dalaga na naka-upo doon. Kay Francine.
Mula sa kinauupuan niya ay tanaw na tanaw niya ito. She looked really beautiful and hot. Kanina pag-dating na pagdating niya sa party ay ito kaagad ang hinanap ng mata niya, parang lalabas sa rib cage niya ang puso niya ng makita niya ito. Para itong anghel na bumaba sa lupa at binihag ang puso niya.
Wala sa sariling napangalumbaba siya habang nakatitig sa dalaga. She looked really gorgeous. Bawat kilos nito ay nakaka-akit. Kaya naman napakabilis niyang mawala sa mood at magselos kapag nakikita niyang may ibang lalaking lumalapit dito. Kitang kita pa naman niya ang mga mata ng mga kalalakihan na sumusulyap dito. Oo, kahit pa kaibigan niya. Kaya nga nang iwanan niya ito kanina sa table ay pinakiusapan niya ang kuya Harvey niya na pabantayan si Francine sa asawa nitong si Bianca. Kaya ayun, magkasama na ang mga ito sa table.
Napapangiti siya habang nakatitig sa dalaga na bigla din niyang binawi dahil nahuli siya ni Bianca. Napataas ang kilay nito, nakangiti at iiling-iling. Nakakahiya. Malamang ay sinabi ng kuya Harvey niya dito na pinababantayan niya ito dito.
"Am I right Gabriel?" Biglang tanong ng Tito Carlos niya, isa sa mga board of directors ng company nila na pumalit sa kaniya bilang CEO.
"Hmm yeah!" Kunwari ay sagot niya kahit hndi niya nasundan ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"I so excited for this project. Actually ang anak kong si Michelle mismo ang nagdesign ng interiors ng itatayong hotel. She'll be working with us since medyo busy din ako. Alam nyo naman sa pulitika." Sabi ni Mayor Villavelez.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...