Chapter 13

667 23 14
                                    

"Ano na Gab bro? Tutuloy ka ba o uuwi na tayo?" Tanong ni Kline sa kanya. Nakasakay sila sa kotse nito na mag-iisang oras na yatang nakaparada malapit sa gate ng bahay nila Francine.

"Tsk! Mahina naman pala tong manok natin, naduduwag na yata. Gusto mo ako nalang?" Biro ni Yanku sa kaniya na nakaupo sa backseat. Nakatikim ito ng suntok sa braso mula sa kaniya.

"Aray! Masakit yun ah" Sabi nito sa kanya na akmang gaganti pero napigilan niya ang mga kamay nito.

"Psst! Ang gulo nyo. Si Francine oh!" Turo ni Kline sa kanilang dalawa. Nakita niya sa Francine na lumabas ng gate, may dala itong trash bag.

Natulala siya sa kagandahan ng dalaga. Ngayon niya lang ito nakita sa ganitong ayos, palagi lang kasi ito naka-scrub suit kapag nakikita niya. But this time, Francine was wearing a tattered jean short shorts and a white sleeveless flowy dress top. Her hair was tied up in a messy bun. Kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Francine looked really hot. Bigla tuloy siyang nainitan kahit malamig sa loob ng kotse ni Kline.

Napatingin si Francine sa kotseng sinasakyan nila, wari'y nagtataka kung bakit may nakaparadang magandang kotse malapit sa bahay nito. Sabay sabay pa silang tatlo na napayuko upang magtago dahil baka makita sila. Naalala lang nila na heavily tinted nga pala ang sasakyan ni Kline.

"Shit!" Nasabi ni Yanku. Nakita nila na pumasok na uli sa loob si Francine.

"Shit pare, para tayong mangki-kidnap nito eh. Pati kami kinakabahan sayo." Sabi ni Kline na napahilamos pa sa mukha.

"Oo na, eto na bababa na." Kinakabahang sagot niya. Tumingin siya sa salamin ng sasakyan at inayos niya ang kaniyang buhok. That was the first time na aakyat siya ng ligaw sa bahay mismo ng isang babae. Sobrang tagal ang inabot niya sa pagbibihis kanina. He decided to wear a crisp white cotton long sleeves na ni-roll up ang manggas for a casual look. He wore a light khaki pants paired with white sneakers and sprayed Acqua Di Gio for a light and fresh summery and manly scent.

"Kayang kaya mo yan Gab bro!" Sabi ni Yanku na kunwari'y minasahe pa ang kaniyang balikat.

"Kinakabahan ako pare." Pag-amin niya.

"Gab bro sa gwapo mong yan, baka pati mga kapitbahay nila Francine ma-inlove sayo." Wari'y sinisipat-sipat pa ni Kline ang istura niya.

"Tsk! Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganyang kagwapo pero walang confidence pagdating sa babae." Naiiling pa si Yanku.

Binuksan ni Gab ang pinto ng kotse at huminga ng malalim bago bumaba. Bitbit niya ang isang bouquet ng bulaklak at isang box ng cake na si Ysa pa ang pinaki-usapan niyang magbake.

"Gab bro baka maiwan mo." Inabot ni Kline sa kanya ang saklay niya. Hindi pa kasi niya kayang lumakad nang walang crutches.

"Tsk! Ihatid ka na nga namin." Sabi ni Yanku.

Inihatid siya ng dalawa sa harap ng gate nila Francine. Nang makapag-door bell siya at narinig na may papalapit na tao sa gate ay mabilis na iniabot ng dalawa sa kanya ang bulaklak at cake, saka mabilis na tumakbo at sumakay uli sa loob ng kotse.

Bumukas ang maliit na pinto ng gate at may sumilip na isang matandang babae.

She must be Nana Loring.

"Sino yan?" Tanong nito at sumilip.

"Good morning po." Magalang na bati niya while giving her his best smile.

"Ay! Napagka-gwapo naman nitong batang ire, ay artista ka ba?" Gulat na sabi ng matanda habang sinisipat-sipat ang mukha niya.

Gab's Beautiful NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon