"Sis. Kain ka lang huwag kang mahiya." Magiliw ni Ysa sa kaniya. Nasa veranda sila at kumakain. Doon kasi nag-pahanda ng tanghalian si Mrs. Sebastian pagka-alis ni Doc Luke. Presko ang ambiance dito na napapaligiran ng mga halaman.
"Thank you." Nginitian niya si Ysa. Magaan ang loob niya dito dahil napaka-friendly ng aura nito. At totoo nga ang sinabi ni Ate Nida, andaming pagkain! Nakaka-tatlong rolls na nga siya ng chicken enchilada, her favorite.
"Madam, pasok lang po ako sa loob, hatiran ko ng pagkain si Gab." Sabi ng matandang kasambahay na nag-hatid sa kanila ng orange juice.
"Sige po manang Pasing. Salamat po." Nakangiting sabi ni Mrs. Sebastian.
"Ay, sasama na po ako sa inyo, ako na po ang maghahatid ng pagkain, kailangan ko na din po kasi siya painumin ng gamot." Singit niya sa matanda.
"Are you sure hija? Tapos ka na ba kumain?" Tanong ni Mrs. Sebastian.
"Opo, tapos na po ako." Sagot niya sa ginang.
"Ikaw ang bahala hija." Sabi nalang ng ginang sa kaniya. Mabilis siyang sumunod kay manang Pasing papasok sa kusina.
"Ikaw ba ineng ang nars ni Gab?" Tanong ni manang Pasing ng makarating sila sa kusina. Inihahanda na nito sa isang tray ang pagkain ni Gab.
"Opo ako nga po." Sagot niya sa matanda at tinulungan niya ito sa ginagawa.
"Naku eh napakaganda mo namang bata ka, mukang napagka-bait pa eh." Puri nito sa kaniya. "Siya nga pala, manang Pasing nalang ang itawag mo sakin. Buti nalang at ikaw ang mag-aalaga kay Gab. Huwag kang mag-alala at napaka-bait nung batang iyon, kaya nga siya ang paborito naming lahat dine sa mansyon." Kwento ng matandang halatang giliw na giliw sa binata.
"Iyon nga po ang sabi nila mabait daw po si sir Gab." Sabi niya dito.
"Naku anong sir Gab? Gab nalang, at kahit kami dito sa mansyon ayaw niyang patawag ng sir. Ganun kabait iyong batang iyon." Singit agad ng matanda. "Kaya nga nalungkot kaming lahat dito sa mansyon nang malaman namin na naaksidente siya, lalo na noong hindi pa siya nagigising."
Tinignan niya ang laman ng tray, halos puro gulay iyon. Brown rice ang kanin at may kaunting slice ng Hainanese chicken na walang balat. May isang basong tubig din. Binuhat niya ang tray upang ihatid na niya ito sa kwarto ni Gab.
"Idagdag mo na ito ineng." Inilapag nito sa tray ang isang saging. "Ilagay mo ito sa ref doon sa kwarto ni Gab." Sabi nito. "Siya nga pala, heto ang duplicate key ng kwarto ni Gab, madalas kasi gusto nun naka-lock ang kwarto niya." Iniabot nito sa kaniya ang isang susi. Tumango naman siya at kinuha ang susing iniaabot nito sa kaniya, saka siya nagtungo sa kwarto ng binata. Nasa second floor lang naman iyon.
Kumatok muna siya sa pinto ng kwarto ng binata bago siya pumasok. Naabutan niya itong namumula ang mga mata at may bakas pa ng luha.
Was he crying? Tanong niya sa isip. Nakaramdam siya ng awa sa binata. Nakayuko at nakatingin lamang ito paibaba. Iniiwaas siguro nito ang muka upang hindi niya makita na umiyak ito. Hindi niya maintindihan pero parang nadurog ang kaniyang puso para dito.
Ibinaba niya ang tray sa side table ng kama nito at nag-disinfect ng kamay gamit ang alcohol. Kumuha siya ng tissue. Nilapitan niya ang binata at iniharap ang mukha nito sa kaniya ng dahan dahan dahil naka-suot pa ito ng neck brace. Bigla siyang nakaramdam ng hiya nang tumingin ito sa kaniya.
Gurl! Ang ganda ng mga mata gurl!
He has the most beautiful deep brown eyes she has ever seen, and it was matched with sexy long eyelashes. Kung hindi lang siya nahihiya ay tititigan niya ito maghapon. Then she suddenly could not meet his gaze. She composed herself and wiped the tears off his eyes and cheeks.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
Storie d'amoreGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...