"Kamusta ang bago mong pasyente anak? Hindi ka ba nahihirapan doon?" Tanong ng kaniyang Nana Loring. Iniaayos na nito ang kaniyang kama. Pinapatulog na siya nito ng maaga at alam daw niyang maghapon siyang pagod.
"Nana tignan mo. Yan si Gab, siya yung pasyente ko." Ipinakita niya dito ang stolen shot ni Gab habang natutulog ito.
"Ito ba ang pasyente mo Zeen? Abay napaka-gandang lalake eh." Sabi ng matanda na parang kinikilig pa. "May nobya na ba iyan?" Maya maya ay tanong nito.
"Hindi ko po alam Nana. Alangan naman na tanungin ko po, baka isipin pa nito crush ko siya." Sabi niya habang nakatitig sa picture nito.
"Ay hindi nga ba anak? Ay sa pagkakatanda ko eh ngayon ka lang nagkaroon ng interest sa isang lalaki anak." Nakangiting sabi ng matanda. Bigla niyang binitiwan ang cellphone niya.
"Nana h-hindi ah! Natutuwa lang po ako sa kaniya" pagra-rason niya.
"Bakit anak, mabait ba si pogi?" Tanong ng matanda sa kaniya.
"Mabait naman po. Minsan nga lang moody. Kaya lang Nana naaawa ako sa kaniya. Parang may pinagdadaanan si pogi, ay este, si Gab. Laging lang tahimik Nana, parang ang lungkot lungkot niya. Nakita ko pa siya na umiiyak." Malungkot na sabi niya. Naalala niya ang pag-iyak nito kanina.
Ano kayang nangyari dun? Tanong ng isip niya. Natahimik siya sa pag-iisip.
"Oh siya anak, matulog kana at maaga ka pa bukas. Kwentuhan mo nalang uli ako bukas tungkol diyan kay pogi." Sabi ng Nana Loring niya at hinalikan siya sa noo.
"Sige po nana good night po." Sabi niya dito at lumabas na ito ng kaniyang kwarto.
Magdadalawang oras na siyang nakahiga pero hindi pa din siya nakakatulog. Gising na gising ang diwa niya at hindi niya malaman kung bakit naiisip niya si Gab. Bumangon siya at naghanap ang pampa-antok. Na-alala niya ang ini-uwi niyang records ni Gab. Binasa niya ang mga iyon.
Gabriel Yuan Sebastian. Ang ganda ng pangalan.
Birthday: December 3, 1998
Age: 21 years old. Halos magka-edad lang pala kami.
Status: Single. Uh-uhm, okay.
Blood type: AB
Occupation: Chief Executive Officer, San Sebastian Financial Company. 21 years old? Wow! This is so impressive!Then she went on reading Gab's medical records. She found out that Gab was asthmatic. He also has textile contact dermatitis, pet and food allergies. Pati hospitalization history nito ay binasa din niya. Madaming beses na pala ito naconfine dahil sa asthma at allergies nito. Meron din hospitalization dahil sa severe stomach pain due to alcohol. Kaya naman pala over protective dito ang mommy nito. Abay kulang nalang pakwayin nito lahat ng sakit. Mabuti na lamang at mayaman at mayroong sariling ospital ang pamilya nito.
After reading Gab's records ay naalala niyang gumawa ng charting for the day. Pagkatapos niyon ay kumuha siya ng isang notebook at gumawa ng kanyang to do list para bukas para na din hindi siya nalilito sa mga tasks niya, nawawala kasi ang concentration niya sa kagwapuhan ng pasyente niya.
*****
Madilim ang kwarto ni Gab pagpasok ni Francine dito kinabukasan. Malamang ay tulog pa ang binata. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang gamit upang hindi ito maabala. Binuksan niya ang dim lights ng kwarto nito. Maya maya naman ay hinawi niya ang makapal na kurtina ng bintana para makapasok ang unting liwanag sa loob. Sobrang lamig din ng aircon nito kaya hininaan niya ng kaunti.
Napatingin siya sa binatang nakahiga sa kama.
Ang gwapo mo talaga no? Pinagsawa muna niya ang kaniyang mga mata sa gwapo nitong mukha bago niya ito ginising.
![](https://img.wattpad.com/cover/229471865-288-k315689.jpg)
BINABASA MO ANG
Gab's Beautiful Nurse
RomanceGABRIEL YUAN SEBASTIAN (COMPLETED) Highest Rank: 🏆 # 1 Patient 🏆 # 1 Shyguy 🏆 # 1 Nurse 🏆 # 1 NewStory 🏆 # 1 Cute 🏆 # 3 Comedy-Romance Despite his devilish good looks, Gab is shy, a loner who doesn't want everyone's attention. He doesn't lik...