Chapter 1

113 5 0
                                    

Match

I'm so bored kaya inaya ko magmall yung mga kaibigan ko and as usual hindi na naman sumama si Apollo kasi nagmumukha daw syang bakla kapag kasama namin sya magshopping.

"San na kayo?" tumawag ako sakanila pagkasakay ko sa sasakyan namin, gusto ko malaman kung nasaan na sila dahil baka mamaya mga naliligo palang ang mga ito.

"Paalis na teh, atat na atat?" Tumawa naman silang dalawa.

"Sunduin mo na ko dito pa epal si kuya ayaw ako ihatid" nawala bigla ang tawa niya dahil sa kaniyang sinabi.

"Edi maglakad ka" tinawanan ko din, pabawi lang.

"Bat di ka mauna ikaw nakaisip e." inirapan naman kami nito sa screen, kala mo naman kagandahan.

"Nakabihis na ko ha, bilisan mo naman" bossy talaga nito kung makapagutos sakin.

"Oh ano gusto mong gawin ko? Bat kita susunduin, hindi mo naman ako driver"

"Nyenyenye parang di mo naman ako madadaanan" pangaasar pa nito.

"Sige na ibaba ko na ito aalis na ko" sabi naman nung isang bruhilda.

"Himala yan maaga ka ata," madalas kasi ito ang pinalate saming apat na magkakaibigan.

"Kakahiya sainyo" natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Marunong ka na pala mahiya ngayon?" Nakita ko namang pinatay niya na ang tawag kaya kaming dalawa nalang ni Ley ang naiwan sa tawag.

"Sunduin mo ko ha" paalala niya sakin pero hindi ko siya sinagot at binabaan ko nalang ng tawag.

"Kuya Sam, punta tayo kanila Ley" sabi ko sa driver namin.

"Sige po ma'am" pinaandar naman nito ang sasakyan para makapunta na kami sa bahay ng bruha na yun.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na kami sa bahay nito at akalain mo pa-vip pa ang lola niyo, bumaba pa ko para magdoorbell sakanila.

Ilang doorbell ang ginawa ko bago may lumabas sa bahay nila at akala ko si Ley na ito.

"Nasan ang magaling mong kapatid?"nakataas na kilay kong tanong sakanya.

"Mukha ba kong lost and found?" Binatukan ko naman siya kaya sumigaw na siya para tawagin ang kapatid niya.

"Gusto mo yung nasasaktan ka pa, tatawagin mo din naman pala."

"Hindi talaga pwedeng hindi mo ko sinasaktan pag nagkikita tayo" inirapan naman ako nito, bakla ata tong si Apollo. Inirapan ko din siya, hindi pwedeng siya lang ang mataray saming dalawa.

Nakita ko namang lumabas ang bruha at agad ko namang hinila ang buhok niya.

"Ano teh, may free ride na gusto pa sunduin sa loob ng bahay?" Mataray kong tanong sakaniya habang hila hila pa din ang buhok niya.

"Sorry na ghorl, bitawan mo na yung buhok ko" nagmamakaawa nitong saad sa akin kaya naman binitawan ko na ang buhok niya.

"Bagal bagal mo wala namang pinagbago, pangit ka pa din." Tinignan ko ang mukha niya, nangunot ang kaniyang noo kahit tama naman ang sinabi ko.

"Excuse me maganda kaya ako at mas maganda lalo na kung ikukumpara sayo," nginisihan niya naman ako, hindi ko na ito pinansin para hindi na humaba pa.

"Kuya alis na kami" pagpapaalam nito sa kaniyang kuya, hinalikan naman ni Apollo ang noo niya pati na din ang akin.

"Ingat kayo" sanay na kami dyan sa ginagawa niya, minsan sweet pero mas madalas na nakakairita kaya masarap itapon sa basurahan.

Pumasok na kami sa kotse para makapunta na kami ng mall.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon