Why?
After ng masasayang araw namin ay biglang bumawi ang mga prof at binigyan kami ng madaming gawain, halos wala na din akong oras kay Yuwan. Hindi ko alam na ganito pala ang college life.
"Kaya pa ba?" Tumatawa pang tanong nung dalawa ng magkita kita kami sa canteen.
Hindi na kami classmates ngayon dahil magkakaiba na kami ng course na kinuha dahil sabi nila ay wala silang hilig sa pagtatahi at pagdedesign katulad ko kaya ako nalang daw ang kukunin nilang taga disenyo ng gown nila sa kasal nila para may discount.
"Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang buhay college, bakit si Yuwan at Apollo naman parang paeasy easy lang noong kasama natin" pagrereklamo ko pa.
Nakakapagusap nalang kaming lima kapag oras ng break dahil 'yun nalang ang oras namin para makapagkita kita.
"Oh btw ayos lang kayo ni Yuwan?" They asked me na parang nagulat pa, hindi ko sila maintindihan dahil wala naman kaming dapat pagawayan.
"Huh? Oo naman" tinawanan ko pa sila.
"Nakita mo na ba yung kumakalat?" Tanong ni Ley habang may kinakalikot doon.
"Kumakalat na ano?" Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong kaideideya sa mga nangyayari sa paligid ko.
"This" pinakita niya sakin ang isang article at binasa ito.
Ang nakasaad dito ay may bago daw girlfriend si Yuwan ngayon na ka-agency niya. Nagulat ako dahil halos alam ng mga kaagency niya na ako ang girlfriend niya tapos biglang maglalabas sila ng article na ganito?
"I'm sorry Ji, hindi ko ito gustong ipakita sayo but you need to know the issue, pwedeng hindi naman 'to totoo but you're the girlfriend tapos wala ka manlang kaalam alam? Hindi ba niya inuungkat sayo na may nalilink sakanya?"
"And also why Yuwan do not update you about this issue na sana pinaliwanag niya din sayo para hindi ka nabibigla."
"It's okay, hayaan niyo nalang" ngumiti ako ng tipid sakanila.
Grabe yung nararamdaman kong galit para kay Yuwan at sa agency niya, alam kong matunog si Yuwan at yung babae na yun pero alam nilang may girlfriend yung tao. Samantalang ito namang si Yuwan ay pumayag, syempre mas mahalaga ang career niya kaysa sa akin.
Nakita ko na nagtatawanan si Yuwan at Apollo na papunta dito, I guess hindi pa din alam ni Apollo kaya good vibes pa sila sa isa't isa.
"Hi love" akmang hahalik siya sa pisngi ko ng bigla ko siyang pigilan at sampalin.
Medyo napunta ang atensyon ng tao dun pero wala na akong pakialam, tumayo na 'ko para umalis sa lamesang ito dahil hindi ko kaya na makita siya.
"W-what did I do wrong?" Tanong niya sakin habang nakahawak pa sa pisngi.
Naglakad lang ako ng mabilis, naramdaman ko na nakasunod siya kaya halos tumakbo na ako para lang makapunta sa sakayan. Pumara agad ako ng taxi para hindi niya na ko maabutan pa pero nung nakasakay na ko at isasara ko na sana ang pintuan ay bigla niya akong pinigilan.
"Don't runaway with our problem, talk to me" nagsusumamo ang boses niya.
"Let's not talk right now, hindi kita kayang kausapin" saad ko sakaniya na ikinagulat niya naman.
Kinuha ko ang oportunidad na ito para isara ang pinto ng sasakyan.
"Kuya umalis na po tayo" utos ko sa taxi driver. Kumakatok pa si Yuwan sa bintana pero hindi ko nalang ito pinansin.
"Saan po tayo maam?" Tanong niya sa akin.
Sinabi ko sakaniya ang lugar kung saan ako pupunta. Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala mula sa aking mga mata, alam kong nakakahiya sa driver dahil nakikita niya akong umiiyak pero wala na 'kong pakialam dahil kailangan ko na mailabas ang sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/229034565-288-k120754.jpg)
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...