Chapter 19

22 1 0
                                    

Mad

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na ipakilala na siya kay mama kahit hindi pa kami, narealize ko kasi na tama yung sinabi ni papa na mas magagalit si mama if ever na malalaman niya kung kailan naging kami na.

Ilang buwan na din ang lumipas simula ng manligaw sa akin si Yuwan, hindi siya nagkukulang sa pagpaparamdam niya ng kaniyang nararamdaman sa akin. Madalas nga may naririnig akong usap usapan galing sa mga ibang estudyante tungkol samin kasi medyo kilala naman kami sa school na ito kahit na hindi ko sila kilala.

"Bagay sana sila pero pakiramdam ko iiwan din naman 'yan ni Yuwan ng luhaan" narinig kong bulong bulungan ng mga nadadaanan ko.

"Malay mo naman siya na ang iwan ngayon, karma niya nalang yun if ever na iwanan siya ni Jira"

"Sa una lang 'yan magaling kasi nanliligaw palang, tignan mo kapag sila na halos hindi na 'yan pupuntahan araw araw kasi nagsawa na"

"Ilang buwan na lumilipas hindi pa rin siya sinasagot baka mamaya magsawa na 'yun, tatawanan ko nalang sila" narinig ko pa ang tawanan nila.

"Nako ayan na pala---" tinakpan naman ni Apollo yung tenga ko dahil ayaw niyang marinig ko ang sinasabi nitong mga chismosa sa school namin kahit lagi ko naman na atang naririnig yan.

"Jira papatulan ko na ba 'tong mga 'to?!" Pagtatanong sa akin ni Kai ng makalayo na kami.

"Hindi na kailangan, mas papalalain lang natin saka hindi naman tayo pumapatol sa mga ganyang klaseng tao na ang ganda nga ng paaralan pero parang wala naman natututunan" umiling pa 'ko sakanila.

"Grabe na talaga yung nararating nung inggit nila," napailing nalang din si Ley dahil sa mga nangyayari.

"Hindi naman totoo mga sinasabi nila saka ano bang pakialam nila sa pagsagot mo kay Yuwan parang gusto ata nila na lahat ng problema sa mundo isipin nila kaya mga di gumaganda e" naiinis naman na saad ni Apollo.

"Hayaan nalang natin sila kasi alam naman natin na hanggang huli may masasabi at masasabi pa din sila sa akin kasi insecure nga sila"

"Oh ayan na pala si Yuwan" lumingon naman kami ng makita nga namin siya.

"Hoy Yuwan," tinulak pa ito ni Apollo na akala mo ay naghahamon ng suntukan.

"Ano na naman bang problema mo?" Pagtatanong niya kay Apollo dahil sa ginawa nitong pagtulak sakaniya.

"Ikaw ang problema ko! Kung hindi mo naman pala kayang patahimikin yang mga taga hanga mo tigilan mo nalang si Jialein!" Umandar na naman ang pagiging protective niya.

"Apollo ano ba yan?!" Pagsaway ko sakaniya dahil kung ano ano na ang sinasabi niya.

"Hindi ko na kaya yung halos araw araw na pagpaparinig sayo ng mga taga hanga niya, sobra na 'to" parang frustrate na frustrate siya sa nangyayari.

"Apollo wag mo naman pangunahan si Jira sa gusto niya" pagaawat nila dito sa unggoy na 'to.

"Kuya 'wag natin pakialaman yung relasyon nila, kita mo nga si Jira hindi nagpapaapekto dun sa mga naririnig niya saka tayo makialam kapag sobra na yung apekto na nangyayari kay Ji"

"Ano na namang ginawa nila sayo?" Concern tanong ni Yuwan sa akin.

"Wala yun ano ka ba" itinatanggi ko naman yun lagi kasi ayoko na magalit siya sa mga humahanga sakaniya kasi baka dahil pa dun ay masira ang imahe niya, hindi ko gustong gawin yun lalo na at umaangat na ang career niya sa pagiging model ngayon.

"Huwag mo na silang pagtakpan, ilang beses ko na din silang pinagsasabihan dahil sa mga naririnig ko pero hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sila tumitigil!" Nagagalit na saad niya.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon