Chapter 20

27 0 0
                                    

Special Day

This day is my moving up day and Yuwan also got an award sa recognition nila.

I'm one of those honor in our batch at masaya ako dahil ako ang nangunguna sa amin at siguro naman dahil dito ay papayag na si mama sa gusto ko dahil hindi naman ito nakaapekto sa pagaaral ko. Kaya ko naman kasing ibalanse yung oras ko sa pagaaral at pakikipagrelasyo pero walang tiwala sakin si mama kaya iniisip niya na hindi ko kaya.

"Congratulation Ms. Consistent Top 1, pano mo nagagawa yung ganiyan? Paturo nga ako" inakbayan pa 'ko ni Apollo habang binabati.

Si papa ang nagsabit sa akin ng medalya ngayon, as usual wala pa din si mama kasi mas ginusto niya pang puntahan yung mga kliyente niya. Mas mahalaga ang pera doon kaya hindi na ako magtataka pa.

"Congrats anak, saan mo gustong magcelebrate?"

"Kahit saan papa basta kasama ko kayo ayos na 'yun" excited kong tugon kay papa dahil kasama ko siyang magcelebrate.

"Hi tito," bumeso pa siya kay papa na tila mo ay close na close sila.

"Congrats Ji! I'm so proud of you" niyakap ako ni Ley ng magkita kami.

"Thank you, congrats din Ley" balik ko naman sakaniya.

"Jira, anona pabahagi naman ng talino. Ikaw lang ba talaga ang paborito ng may kapal?" Pagbibiro naman sakin ni Kai na kadarating lang.

"Kung pwede ko lang ishare it 'to sayo baka ginawa ko na" nagtawanan naman kami dahil dito.

"Hi Kai, congrats" narinig ko naman ang pagdating nung boyfriend niya na may dalang bulaklak para sakaniya.

"Ay sana all" pagpuna namin ni Ley na nakangiti pa.

"Pabulaklak pa, nakakain ba yan?" Rinig ko namang bulong nitong si Apollo at tila mo ay bitter na bitter sa nakikita.

"Inggit ka na naman, bagal mo kasi" pangaasar ko sakaniya kaya naman ngumuso nalang siya habang naglalakad kami.

Nakakainggit yung iba dahil may pabulaklak pa galing sa mga boyfriend nila pero parang hindi pa 'ko nasanay, nung gumaraduate at nagmoving up nga ako si Apollo at papa ang nagbigay sa akin e pero nakakapanibago ngayon dahil wala ni isa.

"Nasan bulaklak ko?" Pagtatanong ko dito sa katabi ko.

"Bakit manliligaw mo ba 'ko para bigyan kita nun?" Sarkastiko niyang tugon sa akin.

"Dati naman binibigyan mo ako nun" ako naman ang napanguso ngayon dahil hindi niya ata talaga ako binigyan kasi nakita kong mayroon si Ley.

"Kapag may boyfriend at manliligaw na tama na kaya ako pinagseselosan at pinagiinitan e" napakamot naman siya sa ulo niya.

"Jira," may tumawag sa akin galing likod kaya agad ko naman itong nilingon.

Nakita ko si Yuwan na may dalang bulaklak at box na mukhang may laman na regalo. Hindi ko gustong mag-assume kung para sa akin ba 'yun pero ako lang naman ang nililigawan niya dito, unless may iba pala siyang babae.

"Oh ayan na yung pabulaklak mo kaya wag ka ng magtampo sakin" pangaasar naman nitong si Apollo kaya napalunok ako ng sarili kong laway.

Nakalapit na sa amin si Yuwan kaya naman binati niya isa isa ang nasa paligid ko.

"Hijo ikaw pala, kanina pa malungkot si Jira kasi hinahanap ka" panlalaglag sa akin ni papa.

"Pasensya na po, hinahanap ko po kasi kayo sa loob ng gym tapos nakalabas na po pala kayo buti nalang po naabutan ko pa kayo" pagpapaliwanag niya at tumingin siya sakin.

Drowning Heart(Dating Apps Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon