Happy Anniversary
"Let's meet tomorrow?" Ilang araw na din kaming hindi nagkikita pero naguusap naman kami. Pakiramdam ko kasi hindi ko kaya na makipagkita sakaniya noong mga nakaraang araw.
"Naunahan mo lang akong tanungin pero aayain din sana kita because it's our anniversary" pagpapaalala niya sa akin at hinding hindi ko naman ito malilimutan. Nakamark na sa aking kalendaryo ang April 4.
"Ipagpaalam kita kay tita don't worry" dagdag niya pa na agad ko namang ikinailing.
"Ako nalang ang magpaaalam kay mama, kaya ko na" nginitian ko siya.
Umuwi na si Erika sa Maynila noong pagkatapos nung araw na may nalaman ako. Hanggang ngayon walang nababanggit sakin si Yuwan tungkol sa bata, hindi manlang siya nahabag baka hindi niya kasi talaga ako mahal.
"Are you sure?" Tumango naman ako.
Apollo: Are you sure with this?
Me: of course, bakit ka ba kasi sasama? Alam kong magbest friend tayo pero 'wag ka umeksena.
Apollo: tanga ikaw nga gaya gaya sakin e, pasalamat ka nga magkakasabay pa tayo kaya may kasama ka dun.
Me: bakit ko ipagpapasalamat na may unggoy akong kasama? Baka sabihin nila inuwi ko pa yung unggoy sa manila zoo.
Apollo: nagagawa mo na ding magpatawa ngayon kahit nasasaktan ka na, kaibigan nga kita.
Napailing nalang ako sa unggoy na 'to, kung ano ano nalang ang sinasabi.
So this is the day of our 1st anniversary. Una palang pero madami na agad na pinagdaanan, ayos lang atleast ngayon naexperience ko na yung pakiramdam ng mahalin, maging masaya, makaranas ng sakit at iba't ibang pakiramdam kapag nagmamahal.
Mahirap pala talagang magsalita ng tapos kapag hindi mo pa nararanasan ang magmahal dahil kahit anong sabihin mong hindi ka magpapakatanga at hindi mo gagawin ang mga ganitong bagay dahil cringe, magagawa mo pa rin kasi mahal mo nga.
Iba ang nagagawa nito sa tao, masarap ang magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo pero mas masarap magmahal ng taong buo ang pagmamahal sayo at wala kang kahati.
"Hoy tulala ka diyan" pinitik nito ang noo ko habang hinahatid ako kung saan kami magkikita ni Yuwan.
"Kailangan pitikin ang noo?" Napahawak naman ako sa noo ko.
"Para magising ka, alalahanin mo ang oras ha? Hihintayin kita kung saan 'yung sinabi mo" pagpapaalala nito sa akin kaya naman tumango ako sakaniya.
"Sana nagpasundo ka nalang sakin para hindi na naabala si Apollo" pagbungad agad sa amin ni Yuwan.
"Never namang naging abala sa akin si Jira kaya ayos lang Yuwan" sarkastiko itong tumawa na parang may gustong ipahiwatig kaya naman tinignan ko siya ng masama.
"Oh siya mauna na ko ha" he waved his hands to us.
"Saan ba tayo pupunta?" Pagtatanong naman nito kaya napaharap ako sakaniya.
Ang gwapo niya talaga pero sayang lang kasi hindi na tayo pwede.
"Sa Manila nga, boomerang ka ba?" Tinawanan ko naman siya.
"Alam ko namang sa Manila pero saan mismo dun, ang laki laki kaya nun" ngumuso pa siya sa akin.
"Malalaman mo nalang pagkarating natin sa address na 'yun kaya bilisan mo ang pagdadrive" hinawakan ko ang isa niyang kamay na nasa maniobra at pinisil pa ito.
I'll miss to hold his hand, for the last time hindi muna kita bibitawan kahit sa oras na ito.
"Bakit dun tayo pupunta? Baka naman may surpresa ka pa sakin ha" tatawa tawa pa ito kaya tinitigan ko ang mukha niya, ang sarap pakinggan ng tawa niya para itong musika sa aking tenga at ang makita ang halos perpekto niyang mukha ang nagpangiti sa akin lalo.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...