You can't
Umaga na kami halos nakatulog ni Yuwan dahil sa pagtatawagan namin, kung hindi pa nagising si Ley para sawayin ako ay baka hindi na kami natulog.
"Hoy Jira! Anong oras na at bakit hindi ka pa natutulog?" Puna niya sakin ng makita akong may kausap sa telepono, tinignan niya pa ang oras.
"JIRA ALAS TRES NA TAPOS HINDI KA PA NATUTULOG! KAMI MAPAPAGALITAN NI TITA NIYAN!" Nilapitan niya pa ako para kurutin.
"Aray Ley, oo na matutulog na" angal ko naman sakaniya.
"Anong matutulog?! E ayaw mo ngang patayin yang tawag niyo ni Yuwan, wala na ba kayong load bukas kaya sinusulit niyo yung tawagan niyo ngayon?!" Kita ko ang panggigigil sakaniya.
"Napaka ingay niyo, pwede bang magpatulog kayo!" saway samin ni Kai dahil nagising siya sa ingay namin.
"Iyan kasing si Jira hindi natutulog!" Para siyang nagsusumbong dito. Dinaig pa ni Ley ang mama ko.
Nakita ko namang huminga ng malalim si Kai bago magsalita, "Para namang hindi ka dumaan sa ganyan noon"
"Aba kinampihan mo pa!" Inagaw sakin ni Ley yung cellphone at siya ang humarap kay Yuwan.
"Hoy Yuwan pwede ba patulugin mo 'tong si Jira, may bukas pa para magusap kayo ha!" Sinamaan niya pa ko ng tingin pagtapos niyang pagsabihan si Yuwan.
"I'm sorry, hindi lang talaga namin napansin yung oras" ganun ata talaga kapag nadadala ka sa usapan, hindi mo na namamalayan ang oras.
"Wala bang nakalagay na mga oras dyan sa mga cellphone niyo at hindi niyo nakikita ang oras?! Wag niyo kong niloloko ginawa ko din yan noon!" Pagbibintang niya pa sa amin.
Narinig ko na tumawa si Yuwan kaya lalong kumunot ang noo ni Ley. Inagaw ko na sakaniya yung cellphone ko kasi baka kung ano pang masabi nito.
"Ley awat na, matulog na tayo please lang," Pagsusumamo sakaniya ni Kai.
"Oo nga matulog na kayo" pagsang-ayon ko naman.
"Bakit naman nagsalita ka pa" rinig kong bulong ni Kai.
"Matutulog lang ako kapag natulog si Jira! Landi ng landi anong oras na" parang napipikon na talaga siya sakin.
"Para namang 'di ka dumaan sa ganyan Leyana!" umiling iling nalang siya sa pagiging istrikta nitong si Ley.
"Natutulog naman kami ng tama sa oras, hindi katulad nila" pagtatanggol pa sakanila nung ex niya.
"Syempre bawal ka kaya magpuyat kaya ganun" pagkontra ko naman sakaniya.
"Ley is right Ji, matulog na kayo. I'll call you tomorrow okay?" Napatingin naman ako sa screen ko dahil bigla siyang nagsalita.
"Ayan ganyan nga Yuwan! Dagdag puntos yan kapag ganyan ka!" Natutuwa namang saad ni Ley kaya tinawanan lang siya ni Yuwan.
"Sige na goodnight na, let's talk tomorrow" sabi niya at nagpaalam na din ako sakaniya bago niya 'to ibaba.
"Bat ba ang lalakas ng boses niyo kagabi? Anong oras na nagsisigawan pa!" Panguungkat naman ni Apollo habang abala kami sa panonood ng tv sa baba.
"Si Jira kasi ayaw pa matulog, landi ng landi" sumbong niya sa kuya niya.
"Oh bakit gising ka pa nun? Lumalandi ka din no?" Tanong naman nitong si Kai. Nagseselos ata.
"Wala akong ibang nilalandi, kung hindi kita nilalandi ng ganong oras, ibig sabihin wala akong kalandian" pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Defensive" hindi nalang siya pinansin pa ni Apollo.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...