Important
Hindi ko alam na ganito pala kasaya yung pakiramdam kapag nakasama mo na yung taong gusto mo at gusto mong makita.
Kung ganito pala kasaya sa pakiramdam kapag may nagmamahal sayo, bakit ngayon ko lang naisipan 'to hahaha kidding.
I was so happy that day na magkasama kami ni Yuwan, hindi man masyadong madami yung nagawa namin nung araw na yun kasi maaga ako umuwi pero atleast nakita na namin yung isa't isa and I wish hindi nalang matapos yung araw na yun pero alam ko namang hindi pa yun yung huli lalo na at nandito na siya sa Pilipinas ngayon.
Naalala ko tuloy bigla na nakita namin si papa sa mall, sobrang unexpected lang.
Naglalakad kami ngayon sa loob ng mall para makahanap ng pagkakaabalahan ng hawakan na naman ng mokong yung kamay ko.
"Hoy tigilan mo nga yan, ang daming nakakakita" inagaw ko sakaniya yung kamay ko, hindi naman kasi ako sanay sa ganito.
"Ayos lang yan para naman malaman nilang akin ka," he winked at me. Hinawakan niya ulit ang kamay ko, akala mo naman mawawala ako.
Ibubuka ko palang sana yung bibig ko para sa sasabihin 'ko pero nagsalita na naman siya.
"Saka nanliligaw naman ako sayo, bawal ba 'to?" Tinignan niya pa ang kamay namin na magkahawak, nakangiti siya habang tinitignan ito kaya naman napailing ako.
"Kailan ako pumayag diyan sa gusto mo aber?" Tinaasan ko siya ng kilay, 'wag kang bibigay Jira.
"Nandito na 'ko sa Pilipinas at hindi na 'to online kaya pwede na 'kong manligaw sayo kasi yun lang naman yung sinabi mong dahilan. Saka kahit naman hindi ka pumayag, manliligaw pa din ako"
"Pano kung hindi kita sagutin?"
"Ayos lang nasayo naman yun, ang mahalaga sakin binigyan mo 'ko ng pagkakataon na manligaw sayo at kung hindi ka nasatisfy sa pinapakita ko, then ayos lang kung hindi mo 'ko sagutin." Ngumiti siya sakin na parang siguradong sigurado sa gagawin niya. Napalunok naman ako at walang nasabi sa gusto niyang mangyari.
Hinila niya 'ko sa sa isang ice cream parlor, hindi pa ba siya nabusog sa kinain namin?
"Anong gusto mo?" Nakatingin ako sa menu nung tanungin niya ko.
"Kapag sinabi ko bang ikaw, anong gagawin mo?" Humarap pa ko sakaniya at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Sayo na 'ko kaya wala ng problema dun" sagot niya ng makabawi na siya sa sinabi ko.
"Kahit ano nalang sakin, kakakain lang natin parang hindi ka pa nabusog ha?" Pagiiba ko naman sa topic kasi nahiya ako bigla tapos ako pa yung nagumpisa.
"Syempre gusto kitang busugin hindi lang ng pagmamahal" parang tanga.
May napansin naman akong pamilyar na tao sa harap namin.
"Papa?" Napatingin tuloy sakin si Yuwan na nagtataka, pero pumunta ko sa harap niya para makita nga si papa.
"Jira!" Pagbati niya sakin at nagaalangan pang ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito pa? Akala ko hindi ka pa nakakauwi" wala siyang update sakin kaya wala akong kaalam alam.
"Ah," parang hindi siya makahanap ng tamang salita, nakita kong may kasama siya kaya nagulat ako kung sino 'to.
"Kai" nginitian ko pa siya kahit na nagtataka ako.
"Jira, nandito ka din pala"
"Oo, hindi ko ba nasabi? Haha" alam ko nasabi ko sa gc namin 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/229034565-288-k120754.jpg)
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...