Rain
"Paano kayo naging magkapatid?" Ang tanga nung tanong ko.
"Kasi magkaparehas kami ng magulang?" Natatawa siya sa sagot niya sa akin.
"Bakit hindi kayo magkaparehas ng surname kung ganun?" Nakakalito kaya hindi pumasok sa isip ko na magkapatid sila.
"Kasi hindi pa kasal si mama at papa nung ipinanganak si Yuel kaya naman ang naging dala niyang surname ay 'yung kay mama while yung sakin ay kay papa. He is Hanz Yuel Polinto and i'm Achim Yuwan Covaril"
"Oh kaya pala pero hindi mo manlang nabanggit siya sa akin noon? Saka hindi kita nakikita noon"
"Hindi ko siya nabanggit sayo kasi tuwing maalala ko siya ay sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari noong gabi na iyon. Saka hindi mo 'ko nakikita noon pero ikaw nakikita at kilala ko na noon pa man"
"Huh? Paano?"
"He likes you, he always talks about you 'I think i'm falling in love with my bestfriend' 'yan ang madalas niyang sabihin sa akin tapos para pa siyang nangangarap at nakatingin sa kawalan kapag sinasabi 'yan. Lagi kong tinanong na wala namang kakaiba sayo pero bakit ikaw ang gusto niya? Pero bigla nalang siyang magagalit at sasabihing 'Iba si Euphrasia sa mga taong nakilala ko kaya 'wag mo sabihin na wala namang kakaiba sakaniya'. Napatunayan ko lahat ng mga sinasabi niya ng makilala kita, ang lakas ng dating mo at nagagawa mong mapaibig ang mga tao sa maikling panahon," pagkukwento niya sakin kaya tuluyan ng pumatak ang luha sa mga mata ko.
Hindi niya naamin sa akin ang mga ito noon pero buti at nandito ang kapatid niya para masabi ang mga ito.
"Hindi niya naamin sayo. Dapat aamin na siya pagtapos nung pagalis namin pero hindi namin inaasahan na maaksidente kami sa araw na 'yun at ako lang ang makakaligtas." Yumuko siya para punasan ang mga luha niyang naglandas sa kaniyang mga mata.
"Hindi ka sana nasasaktan sa akin ngayon kung buhay pa siya. Walang Yuwan na magpapasakit ng ulo mo, walang mananakit sayo at lalong masaya ka lang kapag kasama siya."
"Baliw ka," pinalo ko ang dibdib nito.
"Plano ni Lord na magkakilala tayo, may nawala man sa buhay natin pero alam ko na masaya na siya ngayon sa mga nakikita niya." Pahiwatig ko dito.
"You know what? Gusto kong makipaglaro sayo noon at makilala ka ng lubusan kaso tuwing lalapit ako ay pagbabawalan ako ni Yuel, parang lagi ka niyang pagmamay-ari at ang akala niya ata ay aagawin kita sakaniya" natatawa niyang saad.
"Pero mas mabuti palang hindi nalang muna tayo nagkakilala noon kasi baka nga naging magkaagaw pa kami ng kapatid ko sa mga panahon na 'yun"
"Lord give us the right time to fall in love with each other, hindi pa siguro talaga tamang panahon noon"
"At masasabi kong ngayon handa na tayo para sa relasyong ito" dugtong ko naman dito.
"I love you more than everything Jira. Thank you for giving me another chance in your life" he kissed my forehead.
"I love you too, i'm the one who should be thankful dahil sa ilang taon na lumipas, hindi ka pa rin naghanap ng iba at hinintay mo pa din ako kahit wala namang kasiguraduhan"
"Kahit walang kasiguraduhin lalaban ako kasi mahal kita e"
Inilapit ko ang mukha ko sakaniya, may ilang mga nabago sa itsura niya pero nagpadagdag kagwapuhan lang naman ito sakaniya.
I kissed him and he kiss me back, we are kissing ng maramdaman namin ang patak ng ulan. Hindi namin ito pinansin at pinagpatuloy lang ang aming ginagawa.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Ficção AdolescenteCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...