Coincidence
'You both like SSIS and dating app'
"Hellooo" chat ko dun sa stranger, sa tinagal tagal na oras kong nandito ay ngayon lang ako nakatagpo ng galing sa school ko and nada-dating app din siya kaya makikipagchikahan muna 'ko sakaniya.
"M, 20, Batangas and lastly jowable" reply niya sa chat ko, napangiwi naman ako dahil dun.
"Edi sana kung jowable ka may jowa ka at wala ka dito" masyadong mahangin bhie.
"Sabagay may tama ka, may tama sa utak" nangiinis agad hindi pa nga kami close.
"Ikaw may mali, may mali sa pagiisip" sagot ko naman sa pangaasar niya.
"Ikaw lang naman nasa isip ko mali ba yun?" Ang speed, bumabanat agad.
"Anong klaseng banat yan? Gusto mo banatan kita?" Sabi ko sakanya.
"Sample nga dyan oh" hindi ko alam pero pakiramdam ko naghahamon siya sa chat niya na yan.
"Literal na banat gusto mo?" Tanong ko sakaniya, akala niya ata banat na kikiligin siya.
"Mahina di marunong bumanat." Wala naman dapat akong banat sakaniya kaso napapasabak ako dahil hinahamon niya ko.
"Ikaw ba si Galileo Galilei?" Tanong ko sakaniya, hindi ko alam pero hindi naman 'to banat, ito lang talaga naisip ko.
"Kahit na matalino ako hindi ako magiging scientist o imbentor" wtf?! Choosy pa, imbentor na ayaw pa.
"Napakayabang mo, balakanadyan" in-end ko na yung chat namin, pangit niya kausap bhie.
I stopped using that site, humiga na ako sa aking kama at tumingin nalang sa kisame.
"Bakit kaya nararanasan ko ngayon yung mga bagay na hindi ko inexpect na mangyayari sa buhay ko?" Bulong ko sa sarili ko.
"I became good and kind when I was a kid and until now pero hindi ko alam na ganito pala ang magiging kapalit nun kahit wala naman akong ginawa na mali" lagi 'to pumapasok sa isip ko lalo na kapag mag-isa ako.
Madaming pumapasok sa isip ko kapag nalulungkot ako, nasasanay na ako sa ganito pero hindi porket sanay na ako sa isang bagay ay hindi na ko dapat pang maapektuhan nito.
Ilang minuto na puro malulungkot lang yung naiisip ko hanggang sa lahat ng naiisip ko ay nawala ng may kumatok sa aking pintuan.
"Anak, can I come in?" Alam kong ang aking ina ito dahil wala namang pwedeng maging ibang tao dito samin kundi kaming dalawa lang.
Naisipan ko na magpanggap na tulog dahil ayokong makausap si mama ngayon, masama pa rin ang loob ko sakaniya dahil sa pagiwan na ginawa niya sakin kanina. Naramdaman ko na may biglang umupo sa gilid ng kama ko at ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking ulo na akala mo ay concern na concern sakin.
"Nakatulog ka na pala akala ko maabutan pa kitang gising but even if you're sleeping, I just want to say sorry about what happened earlier. Wala akong balak iwan ka dun anak pero para din naman to sa ikagaganda ng buhay mo" she kiss my forehead. Ganyan lagi yung sinasabi niya, para sa ikagaganda ng buhay ko pero pano kung gumanda nga yung buhay ko pero kulang naman ako sa aruga ng magulang ko, mas mahirap yung ganon, hindi ba niya naiisip na kailangan ko din ng atensyon.
"Sleeptight babawi ako sayo" she carress my hair before leaving my room.
Naramdaman kong tumayo na siya at aalis na ata sa kwarto ko at tama nga ako dahil narinig kong bumukas ang pinto kaya naman idinilat ko na ang aking mga mata.
"Mukhang mauuna pa kong bawian ng buhay kaysa makabawi ka sakin" sabi ko nalang sa sarili ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko.
"Lord, can I ask? Do I deserved this kind of life? Kailan niyo ba ipararamdam sa akin na may nagmamahal at nakakaappreciate sakin" patuloy lang sa pagtulo ang luha ko dahil sa mga naiisip at katanungan sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/229034565-288-k120754.jpg)
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...