Truth
"Jira, how was your day?" Allen texted me.
Yes he texted me nagpalit kasi kami ng number para may iba pa kaming communication bukod dun sa chat section ng bumble. Hindi naman siguro masama na makipagpalit ng number kahit isang linggo palang kaming magkakilala.
"It's fine and happy, how about you?" I lied kasi normal na araw lang naman ito at walang rason para maging masaya.
"As usual its a happy day kasi nakausap kita, alam mo namang ikaw ang happy pill ko di ba?" Madalas niya talaga itong sinasabi sakin simula nung nakausap ko siya kaya nasasanay na ko at malapit na nga akong maniwala.
We'll it's been a week since we chat each other. Masasabi ko na nakukuha niya yung loob ko because we have the same humor but sometimes there is something about him that makes me awkward.
"Weh? Ako ba talaga?" Parang ang pabebe pero anong magagawa ko ito yung gusto kong itanong.
"Ofcourse you're, sino pa ba ang pwede?" He replied to me.
"I don't know baka mamaya may iba kang nakakausap na babae dyan" it sounds like a jealous girlfriend.
"Are you jealous?" Paniguradk tinatawanan na naman ako nito.
I'm typing my reply pero nakita ko na nagreply agad sya.
"Ikaw lang naman yung nakakausap at nakakapagpasaya sakin, so don't overthink okay?" Sinakyan ko nalang yung mga sinasabi niya.
While i'm texting with him my friends are calling me. Sinagot ko naman ito kasi baka namimiss na nila ko kahit kakakita lang namin last sunday and wednesday palang ngayon.
"Jira!" Bungad nila sakin.
"Oh? Para kayong mga tanga sabay sabay pa kayo" tumawa naman silang tatlo, bakit ganto mga kaibigan ko parang mga sira tuktok.
"How are you and your boyfriend?" Ley seems so excited.
"Di ba sinabi ko ng hindi ko sya boyfriend?" Pag-amin ko sakanila dahil ito naman ang totoo.
"Showbiz ka ghorl?" Sarcastic na tanong niya ulit sakin.
"Tatanong tanong ka tapos di ka naman pala maniniwala" ano pang sense ng pagtatanong.
"Pero dun na din papunta yun" panggagatong pa nitong si Kai.
"Pano mo naman nasabi? Wag mo itulad sayo si Jira na kapag may nakachat magiging boyfriend niya na din" pagtatanggol naman nitong si unggoy.
"Epal ka talaga kahit kailan no? Panira ka talaga, iremove kaya kita sa gc?!" Panghahamon nito kay Apollo.
"So ano ba talaga ang tinawag niyo dito? Magaaway lang ba kayo rito ha!" Sigaw ko sa dalawang ito, wala na silang ginawa kundi ang mag-away.
"Parang ganun na nga, lagi napupurnada ang kwento" sabat naman ni Ley dahil totoo ito, hindi pwedeng hindi magaway yung dalawa kahit sa call, basta nagsama sila.
"Ikaw kasi ayaw mo pa magkwento" paninisi sakin nitong Kai.
"Mama mo, sisihin mo pa ko" inirapan ko siya.
"Ma tawag ka ni Jira" sigaw niya at nakita kong lumabas sa screen si tita KC.
"Oh ayan na Jira, hinanap mo mama ko di ba?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hi tita" bati ko sakaniya, ngumiti naman ako kahit nahihiya at bumati naman din sakaniya ang magkapatid.
"Hello sainyo, hinahanap mo daw ako Jira?" Ang bait talaga ni tita, hindi nga lang namana ni Kai.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Ficção AdolescenteCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...