Protect
"Hey are you sure about this?" Halos pangilang tanong na sakin ni Yuwan ito, hindi ata makamove on na sinagot ko na siya.
"Ayaw mo ba ha?"
"Naninigurado lang naman ako"
"Isang tanong mo pa nyan baka hindi na 'ko sure"
"Sabi ko nga hindi na 'ko magtatanong e" tapos ngumuso pa siya.
"Buti naman, akala ko kasi boomerang ka" pagbibiro ko pa.
"Hindi naman ako instagram, saka baka mamaya kasi magalit satin si tita kasi di ba sabi niya pwede ka lang magboyfriend kapag nakapagtapos ka na" nakita ko ang bahagya niyang pagyuko.
"Ako naman ng bahala magpaliwanag kay mama saka mataas naman yung grades ko, hindi ka naman naging hadlang sa pagaaral ko kaya baka wala ng problema kay mama ito" paninigurado ko sakaniya.
"I'll court tita too, liligawan ko kayo parehas kahit tayo na para maipakita ko sakaniya kung gaano ako kaseryoso sayo"
'yan yung gusto ko kay Yuwan, hindi siya mabilis sumuko sa isang tao o bagay na gusto niya, gumagawa siya ng paraan para magustuhan din siya nito pero alam ko namang hindi natin mapipilit ang isang tao lalo na kung hindi niya ito gusto pero nasisigurado ko na lalambot din naman ang puso ni mama kay Yuwan kasi mabait at sincere talaga siya sa mga bagay na ginagawa niya.
"Hindi naman pwedeng ikaw lang yung may regalo sakin" pagsasalita niya muli.
"Huh? Bakit?" Kinuha niya yung box na binigay niya sa akin tapos siya na ang nagbukas at may inilabas siyang isang box, nagulat ako akala ko singsing joke ang assuming ko.
"Magpopropose ka ba sakin?" Tumawa naman kami dahil sa sinabi ko, ang bata pa namin para sa ganoong bagay.
"Sakto yung star na binigay mo sakin," inaabot niya sakin ito at binuksan ko.
Nagulat ako dahil isa itong kwintas na may pendant sa gitna na moon, sobrang ganda hindi ko inakalang gagastos siya ng malaki para lang makabili nito.
"Baliw ka bakit naman gumastos ka pa para dito" pinalo ko siya habang nangingilid yung luha sa mga mata ko.
"Because you are important to me at handa akong ibigay sayo ang kahit ano" ngumiti pa siya sakin.
"Grabe patay na patay ka talaga sakin" tinawanan ko pa siya at tumulo ang luha ko dahil sa kasiyahan.
"Ikaw din naman patay na patay sa akin," pagbawi niya pa.
"Alam mo ba bakit moon yan?"
"Kasi ako ang MOON-do mo?" Nabasa ko lang 'to sa social media.
"HAHAHAHAHA bakit nahulaan mo"
"Syempre ilang beses ko na nababasa sa social media yun, wala na bang bago ha."
"May isa pa, sabihin mo ano"
"Ay meganon? HAHAHAHA. Sige, ano?" Pagsunod ko naman sa gusto niya.
"Kung ang buwan ang nagbibigay ng liwanag sa gabi, ikaw naman ang nagbibigay liwanag sa mundo kong madilim" naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi sa kaniyang sinabi.
Ang lakas talaga ng epekto ng mga banat niya sakin, isang isa nalang babanatan ko na ito.
"Nagbablush ka, yieee kinikilig" pangiinis niya sakin.
"Asa ka naman, 'di ako kinikilig" pagdedepensa ko sa sarili ko.
"Hindi ka naman talaga umaamin pag kinikilig ka, akin na nga yang kwintas isuot ko sayo" iniabot ko sakaniya ito at tumalikod ako sakaniya para maisuot ito.
BINABASA MO ANG
Drowning Heart(Dating Apps Series#1)
Teen FictionCOMPLETED Would you believe that you can meet an ideal man in a dating app? Jialein Euphrasia, is an aspiring designer and a no boyfriend since birth girl, so her friends helping her to find his man. They tried the thing that you called "reto" but i...